Ang aking trabaho ay Presidente ng Board of Supervisors ng San Francisco.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Bilang pinaka-unang Itim na lalaki na naglilingkod bilang Presidente ng Board of Supervisors, puspusan na akong nakikipaglaban upang matiyak na may boses sa City Hall ang ating bulnerable o walang lakas na mga kapitbahay at nagtatrabahong mga pamilya. Bilang inyong Superbisor, patuloy akong maghahatid ng mga rekurso upang mapaghusay ang ating mga komunidad at mapaglingkuran ang bawat taga-San Francisco.
Naniniwala akong karapat-dapat ang bawat isa na magkaroon ng matatag na kita, malinis at ligtas na komunidad, at matitirhan na abot-kaya. Iyan ang dahilan kung bakit namuno na ako sa mahihirap na usapin na makagagawa ng tunay na epekto sa buhay ng mga taga-San Francisco. Natiyak ko ang pagkakaroon ng mahigit $20 milyon na tulong sa upa sa bahay (rent relief) at abot-kayang pabahay, napamunuan ang paglikha ng Dream Keeper Initiative (Inisyatibang Nakatuon sa Pagsuporta sa mga Aprikano Amerikano) upang muling maipamuhunan ang $120 milyon sa komunidad ng mga Itim sa ating lungsod, nakipagtunggali upang malabanan ang mga krimeng ibinubunsod ng pagkasuklam sa AAPI, at namagitan sa proseso ng muling pagbubukas ng mga paaralan sa panahon ng pandemya.
Ipinanganak ako sa San Francisco, at lumaki sa pampublikong pabahay sa Bayview at sa Potrero Hill. Nakapagtrabaho na ako sa Distrito 10 sa loob ng ilang dekada, at dati nang naglingkod sa Board of Education ng San Francisco at bilang Ehekutibong Direktor ng Young Community Developers.
Kabilang sa aking mga taga-suporta sina/ang:
Senador Scott Wiener
Mga Miyembro ng Asembleya: Phil Ting, Matt Haney
Mga Superbisor: Connie Chan, Catherine Stefani, Aaron Peskin, Gordon Mar, Dean Preston, Myrna Melga, Rafael Mandelman, Hillary Ronen, Ahsha Safai
Pampublikong Tagapagtanggol Mano Raju
Tagatasa-Tagatala Joaquín Torres
Honey Mahogany
Direktor ng BART Bevan Dufty
Mga Katiwala ng City College: Aliya Chisti, Alan Wong
San Francisco Labor Council
United Educators of San Francisco
SEIU 1021
IFPTE Lokal 21
https://shamannwalton.com/
Shamann Walton