Jump to navigation

  • Patnubay ng site
  • Laki ng letra
  • Text only
Mobile menu button
San Francisco Voter Guide logo
Online EdisyonPamplet ng Impormasyon Para sa Botante & Halimbawang BalotaPinagsamang Pangkalahatang Eleksyon Nobyembre 3, 2020

Elections and accessibility

  • sfelections.org
  • Kadaliang Magamit
  • English
  • 繁體中文
  • Filipino
  • Español
  • Pangkalahatang Impormasyon
    • Mabilisang Gabay para sa Nobyembre 3, 2020 na Eleksyon
      • May mga Tanong ba Kayo?
      • Sulat mula sa Direktor
      • Layunin ng Pamplet ng Impormasyon para sa Botante ng San Francisco
      • Ang Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota)
      • Batas sa mga Karapatan Ng Botante
      • Elections Commission (Komisyon para sa mga Eleksyon)
      • May Tatlong Paraan para Makaboto ang mga Botante sa San Francisco
      • Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
      • Pagboto sa Sentro ng Botohan sa City Hall
      • Pagboto sa Lugar ng Botohan
      • Saan ang Lokasyon ng Itinalaga sa Aking Lugar ng Botohan para sa Nobyembre 3?
      • Tingnan ang Likod na Pabalat para sa Lokasyon ng Inyong Lugar ng Botohan
      • Pagmamarka sa Inyong Balota
      • Mga Pangunahing Kaalaman tungkol sa Sistema ng Pagboto sa Lungsod
      • Panatilihing Napapanahon ang Impormasyon sa Inyong Rehistrasyon bilang Botante!
      • Impormasyon ukol sa Pagkapribado ng inyong Rehistrasyon bilang Botante
      • Safe at Home Program (Programang Ligtas sa Tahanan)
      • Mga Superbisoryal na Distrito ng San Francisco
      • Accessible na Pagboto at mga Serbisyo
      • Matutulungan namin kayo:
      • Libreng mga Klase sa Ingles
      • hide
      • Pangkalahatang Buod ng Utang ng San Francisco
      • Mga Madalas Itanong (FAQs)
      • Itigil na ang pagtanggap ng inyong nakalimbag na Voter Information Pamphlet (Pamplet na Nagbibigay ng Impormasyon sa Botante)
      • Inyong Halimbawang Balota
      • Worksheet ng balota
      • XML Streams
      • Site Guide
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
    • Mga Impormasyon ng Kandidato at Katungkulan
      • Mga Katungkulan sa Lungsod at County ng San Francisco na Pagbobotohan sa Eleksyong Ito
      • Mga Pahayag ng Inyong mga Kandidato
      All Candidate Statements
      所有候選人聲明
      Todas las declaraciones de las candidatos
      Lahat ng mga Pahayag ng mga Kandidato
    • Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 14
    • Kandidato para sa Senador ng Estado, Distrito 11
    • Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 17
    • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 19
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 1
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 3
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 5
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 7
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 9
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 11
    • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 7
    • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 9
    • Mga Kandidato para sa Board of Education (Lupon ng Edukasyon)
    • Mga Kandidato para sa Community College Board (Lupon ng Kolehiyo ng Komunidad)
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota
    • Impormasyon Tungkol sa Lokal na Panukalang-batas sa Balota at Pangangatwiran
      • Mga Salitang Dapat Ninyong Malaman
      Local Ballot Measures
      • Proposisyon A: Bond (utang ng gobyerno) para sa Kalusugan at Kawalan ng Tahanan, mga Parke, at Kalye
      • Proposisyon B: Department of Sanitation and Streets (Departamento para sa Kalinisan at mga Kalye), Sanitation and Streets Commission (Komisyon para sa Kalinisan at mga Kalye), at Public Works Commission (Komisyon ng mga Pampublikong Gawain)
      • Proposisyon C: Pagtatanggal ng Itinatakdang Pagiging Mamamayan para sa mga Miyembro ng mga Lupon ng Lungsod
      • Proposisyon D: Pangangasiwa ng Sheriff
      • Proposisyon E: Pag-eempleyo sa Pulisya
      • Proposisyon F: Lubusang Pagbabago sa Business Tax (Buwis sa Negosyo)
      • Proposisyon G: Pagboto ng Kabataan sa mga Lokal na Eleksyon
      • Proposisyon H: Neighborhood Commercial Districts (distritong mababa o katamtaman ang dami ng tao at magkahalong residensiyal at komersiyal ang gamit) at Pagbibigay ng Permits ng Lungsod
      • Proposisyon I: Real Estate Transfer Tax (Buwis ukol sa Paglilipat ng Ari-arian)
      • Proposisyon J: Parcel Tax (buwis sa parsela o buwis na nakabatay sa mga katangian ng ari-arian at hindi sa natasang halaga nito) para sa San Francisco Unified School District (Pinag-isang Distritong Pampaaralan ng San Francisco)
      • Proposisyon K: Awtorisasyon para sa Abot-kayang Pabahay
      • Proposisyon L: Business Tax na Nakabatay sa Paghahambing ng Suweldo ng Pinakamatataas na Executive sa Suweldo ng mga Empleyado
      • Panukalang Pandistrito RR: Buwis sa Pagbebenta ng Caltrain

You are here

  1. Bahay ›
  2. Impormasyon tungkol sa Kandidato ›

Mga Kandidato para sa Board of Education (Lupon ng Edukasyon)

Hindi nagsusumite ang lahat ng kandidato ng pahayag ng mga kuwalipikasyon. Makikita ang kumpletong listahan ng mga kandidato sa halimbawang balota. Kusang-loob na ibinigay ng mga kandidato ang mga pahayag at hindi isiniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga pahayag gaya ng isinumite. Hindi iwinasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin ito sa pinakamalapit, hangga't maaari, na orihinal na teksto.

MATT ALEXANDER

Ang aking trabaho ay Edukador at Organisador.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Mayroon na akong 20+ taon na karanasan bilang guro at principal (punong-guro) sa pampublikong paaralan ng SFUSD. Kasama akong tagapagtatag ng June Jordan School for Equity, na de-kalidad na pampublikong paaralan, at mayroon na itong subok na rekord ng tagumpay sa mga estudyanteng Aprikano-Amerikano, Latinx, Asyano, at taga-Isla Pasipiko. Bilang organisador ng komunidad sa Faith in Action Bay Area, nakikipagtrabaho ako sa pangkat ng mga lider, na mula sa iba’t ibang kultura, sa mga paaralan at kongregasyon, upang makipaglaban para sa mga karapatan ng imigrante at sa katarungan sa pabahay. 

Sa panahong ito ng pandemya at krisis sa ekonomiya, kailangan mag-isip tayo ng malalaking plano at maging mapangahas, at nang maipagkaloob natin ang pinakamahusay na pampublikong edukasyon para sa kinabukasan ng ating mga anak at ng ating lungsod. Kasama sa aking mga prayoridad ang: 

• Pagsasara ng digital divide o ng siwang sa pagitan ng may teknolohiya at ng walang teknolohiya 

• Pagbubukas ng mga paaralan sa pinakamaagang posibleng panahon na magagawa ito nang ligtas, kung saan binibigyan ng prayoridad ang mga estudyanteng musmos at may espesyal na pangangailangan. 

• Pagtataas ng pondo: Pagrereporma sa Prop 13 at paghahabol sa dagdag na pondo mula sa estado at pederal na gobyerno

• Pagbabago ng alokasyon ng badyet mula sa sentral na opisina at administratibong gastos upang direktang mapunta sa mga paaralan

• Paglikha ng mas maraming Community Schools (Mga Paaralan ng Komunidad) na may magkakasama o integrated nang mga serbisyo at sosyo-emosyonal na suporta

• Pamumuhunan sa edukasyon sa mga unang taon ng pagkabata 

Kasama sa mga nag-endoso sa akin ang: 

United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador sa San Francisco)

Service Employees International Union (Internasyonal na Unyon ng mga Empleyadong Nagbibigay-Serbisyo) SEIU 1021

Coleman Action Fund for Children (Pondo sa Pag-aksiyon para sa mga Bata ng Coleman)

San Francisco Tenants Union (Unyon ng mga Umuupa sa San Francisco)

Bernal Heights Democratic Club (Samahang Demokratiko ng Bernal Heights)

San Francisco Board of Education (Lupon ng Edukasyon): Mark Sanchez, Presidente; Gabriela Lopez, Bise-Presidente; Alison Collins; Jenny Lam; Faauuga Moliga

San Francisco Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor): Norman Yee, Presidente; Sandra Fewer; Matt Haney; Gordon Mar; Dean Preston; Hillary Ronen; Shamann Walton

Jane Kim, Dating Superbisor

Tom Ammiano, Dating Miyembro ng Asembleya ng Estado   

David Campos, Tagapangulo, SF Democratic Party (Partido Demokratiko ng SF)

BART Board of Directors (Lupon ng mga Direktor): Bevan Dufty; Janice Li

Jackie Fielder, Kandidato para sa Asembleya ng Estado 

Jeremiah Jeffries at Karen Zapata, Mga Tagapagtatag, Teachers 4 Social Justice (Mga Guro para sa Katarungang Panlipunan)

www.mattalexandersf.org

Matt Alexander

ANDREW DOUGLAS ALSTON

Ang aking trabaho ay Guro.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Tumatakbo ako para sa San Francisco School Board (Lupon ng mga Paaralan) dahil sa aking palagay, ang lungsod na ito ang pinakamaganda, pinaka-diverse o mayroong mga pagkakaiba-iba, at pinakaprogresibo sa daigdig, at naniniwala akong dapat salaminin ito ng ating mga pampublikong paaralan. May mahahalagang usapin na naka-aapekto sa ating mga estudyante at kani-kanilang pamilya, at gusto kong maging bahagi ng solusyon. Nahihirapan ang ating mga paaralan na makahikayat ng bawat estudyante at pamilya at lalo pang nagkakaroon ng segregasyon batay sa lahi at katayuang sosyo-ekonomiko. Kailangan ng San Francisco ng mapangahas na plano upang magkaroon ng integrasyon sa paaralan sa pamamagitan ng pagbabago sa pagsosona at libreng pampublikong paghahatid ng bus, at nang matiyak na maibabalik ang mga paaralan sa ating mga komunidad. Bilang guro sa pampublikong paaralan, naniniwala ako na mga institusyon ng pag-asa ang ating mga paaralan. Patagin natin ang landas para sa kinabukasan ng ating mga anak sa pamamagitan ng pag-angat sa ating mga paaralan upang matugunan ng mga ito ang kanilang matatayog na pangarap. Salamat sa inyong boto. 

Andrew Douglas Alston

KEVINE BOGGESS

Ang aking trabaho ay Direktor para sa mga Polisya sa Edukasyon. 

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Sa loob ng mahigit 10 taon sa Coleman Advocates for Children and Youth (Mga Tagapagtaguyod ng mga Bata at Kabataan ng Coleman), nagtrabaho ako upang makapag-organisa at makapagpalahok ng daan-daang pamilya, estudyante, at edukador, at nang magkaroon ng transpormasyon sa mga pampublikong paaralan ng San Francisco. Bilang Direktor para sa mga Polisya sa Edukasyon at magulang na ipinanganak at pinalaki sa San Francisco, nakita ko mismo ang mga hamon at oportunidad sa ating mga pampublikong paaralan, at naiintindihan ko kung ano ang kinakailangan upang mapaghusay pa ang kaligtasan sa paaralan at maparami ang mga oportunidad para sa lahat ng kabataan. 

Tumatakbo ako para sa Board of Education upang: 

• Makapaghatid ng mapangahas at may kolaborasyong pamumuno na magbibigay ng prayoridad sa kalusugan at akademikong tagumpay ng mga estudyante at pamilya, lalo na sa panahon ng COVID-19; 

• Maipatupad ang aming pangako na matiyak na may karapatan ang bawat bata na magkaroon ng edukasyong mataas ang kalidad, anuman ang lahi, kita, wika, o komunidad;

• Makapagkaloob ng ligtas at nakapanghihikayat na kapaligiran sa pag-aaral para sa lahat ng estudyante, kasama na sa panahon ng distance learning (uri ng pag-aaral na isinasagawa sa pamamagitan ng internet o learning kits); at 

• Matupad ang ating pangako na maibalik ang tiwala sa ating pampaaralang distrito sa pamamagitan ng higit na pagiging bukas sa pagsisiyasat at pagpapanagot sa pamunuan ng distrito.  

Gawin nating pinakamahusay sa bansa ang mga pampublikong paaralan ng San Francisco. 

Ang mga Nag-endoso sa Akin:  

United Educators of San Francisco  

Service Employees International Union-SEIU 1021 

Coleman Action Fund for Children  

San Francisco Berniecrats 

San Francisco Tenants Union (Unyon ng mga Umuupa sa San Francisco) 

Jeremiah Jeffries at Karen Zapata, Mga Tagapagtatag ng Teachers 4 Social Justice  

Tom Ammiano, Miyembro ng Asembleya ng Estado ng CA (Nakaraan) 

Mga Komisyoner ng Board of Education: 

• Mark Sanchez, Presidente

• Gabriela Lopez, Bise-Presidente

• Alison Collins

• Jenny Lam

• Faauuga Moliga

• Stevon Cook 

Board of Supervisors:

• Norman Yee, Presidente

• Sandra Lee Fewer

• Aaron Peskin

• Gordon Mar

• Dean Preston 

• Matt Haney

• Rafael Mandelman

• Hillary Ronen

• Shamann Walton

Alamin pa ang tungkol dito sa www.kevineboggess.org

Kevine Boggess

ALIDA FISHER

Ang aking trabaho ay Nag-aadbokasiya para sa Espesyal na Edukasyon.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Bilang dating magulang ng mga batang foster (nasa pangangalaga ng gobyerno) at nag-ampong magulang ng apat na anak na iba ang lahi sa akin, napakapersonal ng mga usapin ng equity o katarungan sa pagkakapantay-pantay at hustisyang panlipunan sa akin. Ginugol ko ang huling 15 taon sa walang humpay na pag-aadbokasiya para sa mas mahuhusay na interbensiyon sa pagbabasa, pagsasanay upang magkaroon ng kamalayan sa mga kakayahan, at mas masisiglang sosyo-emosyonal na suporta sa ating mga paaralan.   

Aktibo ako sa pangangasiwa sa SFUSD: 

Tagapangulo para sa Pag-aadbokasiya at dating Tagapangulo ng Community Advisory Committee for Special Education (Tagapayong Komite ng Komunidad para sa Espesyal na Edukasyon) ng SFUSD

Miyembro, African American Parent Advisory Committee (Tagapayong Komite ng mga Magulang na Aprikano Amerikano)

Miyembro, LCAP Task Force (Espesyal na Pangkat para sa LCAP) 

Miyembro, Equity Studies Task Force (Espesyal na Pangkat para sa Pag-aaral ukol sa Katarungan sa Pagkakapantay-pantay)

Miyembro, Charter School Oversight Committee (Tagapangasiwang Komite ng mga Paaralang Tsarter)

Miyembro, Logistics Committee of Reopening Task Force (Komite para sa Detalyadong Koordinasyon ng Espesyal na Pangkat para sa Muling Pagbubukas ng mga Paaralan). 

PTA, SSC at miyembro ng lupon sa pitong paaralan ng SFUSD 

Ginagamit ko ang aking posisyon sa mga komiteng ito upang matugunan ang mga problema ng institusyonalisadong diskriminasyon sa ating mga paaralan.   

Ang aking mga prayoridad: 

Magkaloob ng mga programa sa lahat ng paaralan upang maging mahuhusay na mambabasa ang lahat ng estudyante pagdating sa ikatlong grado. Kakaunti lamang ang mga kakayahang mas mahalaga pa kaysa sa pagbabasa para sa tagumpay sa kinabukasan.

Mamuhunan sa propesyonal na pag-unlad at magkasamang pagpaplano sa oras para sa mga larangang may prayoridad tulad ng restorative practices o mga gawain para sa panunumbalik, paglaban sa rasismo, hayag na pagkiling, pagsasanay sa de-escalation o pag-iwas sa pagpapalaki pa ng mga insidente, at unibersal na disenyo para sa pag-aaral. 

Taasan ang badyet at higit na magkaroon ng pagpapanagot at pagiging bukas sa pagsisiyasat sa paggawa ng mga desisyon sa lahat ng antas. Ang mga badyet ay pahayag ng pagpapahalaga na kailangang sumalamin sa mga pangangailangan ng ating mga estudyante. 

www.alidafisher.com

Alida Fisher

DR. PAUL KANGAS, JD, PhD

Ang aking trabaho ay Imbestigador para sa Pagdepensa sa mga Kasong Kriminal.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Dr. Paul Kangas, JD, PhD

Maaaring mataasan ng SF ang suweldo ng mga guro, nang hanggang sa $100K sa pamamagitan ng paglalagay ng 1,000 solar panel sa bawat paaralan, kung saan ilalaan lamang para sa suweldo ng guro ang perang mula sa solar na ibebenta sa grid nang $0.49 kwh. 

Magtayo ng 4-plex na mga tahanan, na may 100 solar panel, para sa mga guro.  

Lumikha ng ekonomiyang solar. 

Buksan na ngayon ang lahat ng paaralan. Pinatutunayan ng siyentipikong mga pag-aaral mula sa Sweden na walang bata o guro sa Sweden ang namatay mula sa covid-19. 

Nakatamo na ang Sweden ng ZERO kamatayan mula sa covid, magmula pa noong 7/24/20. 

Kailangan ng mga Guro at manggagawa ng Pederal na gobyerno ng 30 oras na linggo ng pagtatrabaho, kung saan para sa 40 oras ang suweldo. 

Black Lives Matter (Mahalaga ang Buhay ng mga Itim). Apat (4) na beses na mas maraming Itim na estudyante ang nababakunahan ng mga Paaralan ng SF, at nawawalan sila ng kakayahang magbasa at magsulat, at nabibigyan ng expulsion (mahabang suspensiyon). Ipagbawal ang ipinag-uutos na pagbabakuna. 

Noong 2015, nagkaroon tayo ng 1 sa 50 batang lalaki na may autismo. 

Pagdating ng 2030, magkakaroon tayo ng 1 sa 2 batang lalaki na may autismo! WWW.Highwire.com 

Nakatrabaho ko na ang Black Panther Party (Partidong Black Panther). Nagtapos ako sa Hastings Law College noong 1975 at nagtrabaho sa loob ng 44 taon sa mga hukuman ng SF. 

Nagpalaki ako ng 3 anak sa sistemang pampaaralan ng SF. Nakakuha ang aking anak na babaeng pawang A ang grado ng buong iskolarship sa UCSC. Sapilitan siyang binakunahan ng UCSC, nang walang malay na pagsang-ayon, at nawala sa kanya ang kakayahan na magbasa at magsulat. 

Nagtapos ako ng Medical School (Paaralang Medikal) noong 2010. Katrabaho ko si Dr. Joel Wallach sa “Talk” 877-912-7529, nang 1pm araw-araw. #3101.

US Navy (Hukbong-dagat ng Estados Unidos) 1960-64. Naging guwardiya ako ni Presidente Kennedy. Beterano ako ng pananalakay na Bay of Pigs. 

Bumoto nang dalawang beses: Isulat ang Paul Kangas para sa Presidente, at opisyal na kandidato ng FEC.

Dr. Paul Kangas

JENNY LAM

Ang aking trabaho ay Tagapayo sa Edukasyon ng Alkalde ng San Francisco.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Nabaligtad na ng COVID-19 ang ating mga paaralan, at ang ating mga buhay. Lalo pang nailantad ng pandemya ang kawalan ng katarungan sa pagkakapantay-pantay at ang mga siwang sa mga oportunidad sa ating Lungsod at mga pampublikong paaralan. 

Bilang Komisyoner ng Lupon ng Paaralan at Tagapayo sa Edukasyon ni Mayor London Breed, pinamamahalaan ko na ang mga desisyon at polisiya sa kabuuan ng pagtugon sa COVID-19.  

Kasama sa aking mga natamo ang:  

•  Paglalaan ng pondo para sa pagpapanatili sa mga paaralan. 

•  Pagpaparami ng bilang ng mga social worker sa paaralan. 

•  Pagbuo ng mga pakikipagpartner upang magkaroon ng higit na akses sa kompyuter at teknolohiya. 

•  Paghahatid ng karagdagang mga rekurso para sa pagtamo ng akademikong tagumpay ng mga estudyanteng Itim. 

Bilang magulang ng dalawang anak na nasa pampublikong paaralan, naiintindihan ko ang matinding pakiramdam ng hirap at kawalang-katiyakan na nararanasan ng mga magulang. Nananatili akong may pananagutan sa pagtiyak na taglay ng mga pamilya, estudyante, at edukador ang kailangan nila upang maipatupad ang epektibong distance learning at ligtas na mabuksang muli ang mga paaralan.  

Sa loob ng 20 taon, nakipaglaban na ako upang mapahusay pa ang akses sa de-kalidad na edukasyon, nabigyang-lakas na ang kabataan upang makapamuno, napalawak na ang mga karapatang sibil ng imigrante, at nadala na ang pag-akses sa teknolohiya sa mga paaralan.  

Ikinararangal kong magkaroon ng suporta nina:

Mayor London Breed 

Senador ng Estado Scott Wiener

Mga Miyembro ng Asembleya ng Estado:  

David Chiu 

Phil Ting

Assessor (Tagatasa) Carmen Chu 

San Francisco Board of Supervisors: 

Matt Haney 

Rafael Mandelman 

Gordon Mar 

Hillary Ronen 

Ahsha Safai 

Catherine Stefani 

Shamann Walton 

Dating Superbisor Jane Kim 

United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador sa San Francisco) 

Coleman Action Fund 

Latinx Young Democratic Club (Samahang Demokratiko ng Kabataang Latinx)

Rose Pak Democratic Club (Samahang Demokratiko ni Rose Pak) 

Jenny Lam

GENEVIEVE LAWRENCE

Ang aking trabaho ay Guro.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Dati akong guro ng Oakland Unified at kasalukuyang guro sa San Mateo para sa mga estudyanteng may mga espesyal na pangangailangan. May karanasan ako sa mga pagpapahusay upang lalong maging epektibo ang mga guro, pagpapahusay sa akademiko at sosyo/emosyunal na kurikulum, at paglikha ng nagbibigay ng suportang kultura sa paaralan. Pinamumunuan ko rin ang pagpaplano at pagpapatupad ng distance learning at ligtas na in-person (pisikal na nasa paaralan) na pag-aaral para sa aking dibisyon. Bumalik ako sa aking pagmamahal sa pagtuturo matapos magtrabaho sa pagbebenta sa Clorox Company, kung saan nagkaroon ako ng karanasan sa pamamahala sa milyon-milyong dolyar na badyet, pamumuno sa mga pamproyektong pangkat, at pagtupad sa mga pangangailangan ng pangkat ng stakeholders o may interes na may mga pagkakaiba-iba.  

Pakikipagkolaborasyon at pagiging inklusibo ang aking mga batayang pinahahalagahan bilang lider. Pagtitibayin ko pa ang mga pinahahalagahang ito sa pamamagitan ng pagtingin sa mga usapin mula sa iba’t ibang perspektiba at mula sa pananaw ng pagkakaroon ng katarungan sa pagkakapantay-pantay, at sa pamamagitan ng pag-aangat sa mga boses at pangangailangan ng mga estudyante.  

Ang aking mga prayoridad: 

• Mga estudyante: pagiging handa para sa kinabukasang pinipili nila; karagdagang suporta sa mga estudyanteng hindi lubusang napaglilingkuran, tulad ng ELL, may mga espesyal na pangangailangan, estudyanteng may kulay, mababa ang kita, LGBTQ, at iba pa 

• Mga guro: mas maraming propesyonal na suporta at mas mataas na suweldo 

• Mga paaralan: ligtas, mahigpit ang akademikong pamantayan, inklusibo, at nasa isip ang katarungan sa pagkakapantay-pantay; nagagabayan ang epektibong mga gawain sa distance learning at ligtas na in-person na pag-aaral 

• Pamunuan ng Lupon: paghusayin ang pakikipagkomunikasyon, pagiging bukas sa pagsisiyasat, at pananagutan; paglaban para sa karagdagang pondo para sa mga paaralan

Genevieve Lawrence

MICHELLE PARKER

Ang aking trabaho ay Magulang / Direktor ng Nonprofit.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Isa akong single parent o nag-iisang magulang ng tatlong estudyanteng nasa pampublikong paaralan ng San Francisco, at naging lider na ako ng mga magulang, nag-aadbokasiya, at organisador sa loob ng 15 taon. Naniniwala akong trabaho ng Lupon ng Paaralan na lumikha ng mga kondisyon upang maging matagumpay ang bawat estudyante, at na maaaring mapalakas ng mataas ang kalidad na pampublikong edukasyon ang ating mga komunidad at ang ating demokrasya. Hindi natin maaaring pahintulutang makasagabal ang pamumulitika sa mga desisyon na itinutulak ang katarungan sa pagkakapantay-pantay at nakasentro sa mga estudyante.  

Mayroon akong malawak na karanasan sa pamumuno, mga polisiya sa edukasyon, pamamahala, at pangangasiwa. Nakapaglingkod na ako bilang Presidente ng San Francisco PTA, na nagbibigay ng suporta sa mahigit sa 60 paaralan; naging kasamang tagapangulo ng SFUSD Parcel Tax Oversight Committee (Komite para sa Pangangasiwa ng Buwis sa Parsela ng SFUSD), na nagtitiyak ng $32M na taunang suporta para sa de-kalidad na pagtuturo; kasalukuyang tagapangulo ng SFUSD Charter School Oversight Committee (Tagapangasiwang Komite para sa sa mga Paaralang Tsarter ng SFUSD); at naging presidente ng nonprofit para sa edukasyon sa sining. Natiyak ko na ang pagkakaroon ng akses, kung saan may katarungan sa pagkakapantay-pantay, sa mga programang afterschool, napamunuan ang trabaho laban sa rasismo, nakatulong sa mga stakeholder o may interes na maka-alpas sa mga sitwasyong may tunggalian, naiangat ang mga boses na kulang sa representasyon para maging bahagi ng paggawa ng mga desisyon, at nakatulong na sa pamumuno sa ilang matatagumpay na panukalang-batas sa balota para sa SFUSD.  

Ang aking mga prayoridad:

• Protektahan ang mga estudyante mula sa krisis sa ekonomiya, iayon ang badyet ng SFUSD sa ating mga prayoridad, tumukoy ng bagong pondo mula sa lokal na gobyerno at estado

• Magkaloob ng akademiko, pisikal, at emosyonal na suporta sa mga estudyante sa kabuuan ng pandemya

• Pabilisin ang pagtatanggal sa malaking pagitan sa natatamong tagumpay ng mga Aprikano Amerikano kung ihahambing sa iba

• Palakasin pa ang hanay ng mga nagtatrabahong edukador

www.michelleparker.org 

Mga Pag-endoso 

Mayor London Breed 

Assessor-Recorder (Tagatasa-Tagatala) Carmen Chu 

Mga Superbisor Catherine Stefani, Rafael Mandelman

Malia Cohen, California Board of Equalization (Lupon ng mga Tagasingil ng Buwis)

Senador Scott Wiener

Mga Miyembro ng Asembleya David Chiu, Phil Ting

Direktor ng Lupon ng BART Janice Li

Komisyoner ng Board of Education Rachel Norton 

Michelle Parker

NICK ROTHMAN

Ang aking trabaho ay Guro.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Kumusta, Nick Rothman ang pangalan ko, at isa akong magulang sa SFUSD at Tagapangulo ng Automotive, Construction, and Custodial Departments (Mga Departamento para sa mga Sasakyan, Konstruksiyon, at Paglilinis) ng San Francisco City College. Ikinatuwa ng aking dalawang anak na babae ang K-high school sa SFUSD at kasalukuyang nasa high school silang dalawa. Napamamahalaan ko na ang CCSF Trade Skills o Mga Kakayahan sa mga Partikular na Trabaho (Auto, Construction and Custodial departments) sa loob ng humigit-kumulang 5 taon. Nakikilala ko ang dose-dosenang kabataan kada semestre at tinutulungan silang makapasok sa hanay ng mga nagtatrabaho. Sa panahon ng panunungkulan ko bilang tagapangulo ng Departamento, nakapagsanay at nakapagbigay ng puwesto na kami ng aking mga kasamahan sa trabaho sa daan-daan na kabataang lalaki at babae para sa mga trabahong Trade Skill dito sa San Francisco. Nakapagpasimula na rin kami ng pakikipag-partner sa Muni, mga lokal na taga-empleyo, at lokal na unyon. Naniniwala ako sa CTE. 

Sa kasalukuyan, hindi sapat ang representasyon para sa CTE at hands-on o estudyante mismo ang gumagawa na pagsasanay sa Board of Education. Mas mahusay na nakakatawan ang paggabay para sa 4-taong kolehiyo at sa landas tungo rito, kung ihahambing sa suporta na naghahatid sa mga estudyante sa mga trabahong trades o bokasyonal.  

Mahahalaga ang mga karerang Trade Skills, at madalas na hindi napapansing paraan ito upang kumita nang sapat para mabuhay, habang nagpapanatili ng balanse sa pagitan ng pagpapamilya at trabaho. Iniimbita ko kayong isipin kung paano nabibigyan ng enerhiya ang mga estudyante ng trabaho sa paaralan sa unang pagkakataon sa kanilang buhay. Ang mga estudyante na dating nahihirapan sa pagkompleto sa gawain sa paaralan ay maaaring lubusang makilahok habang nagkakaroon ng hands on na kakayahan sa mga gawaing tulad ng pagkakarpintero at pagmememekaniko sa sasakyan. Nagiging mahuhusay ang kabataang mag-aaral kapag nabibigyan ng pagkakataon na magtrabaho gamit ang kanilang mga kamay. Hinihiling ko ang inyong boto upang mabigyan ng boses sa Board of Education ang landas tungo sa karera sa trades. 

Salamat po

Nick Rothman

MARK SANCHEZ

Ang aking trabaho ay Guro sa Pampublikong Paaralan, Presidente ng San Francisco Board of Education.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Isa akong guro sa pampublikong paaralan at ikinararangal kong maglingkod bilang Presidente ng San Francisco Board of Education. Naging karangalan ko nang maglingkod sa mga paaralan ng San Francisco sa loob ng mahigit sa 25 taon. Ang mga estudyante, pamilya, at edukador ng San Francisco ang puso at kaluluwa ng ating sistema ng pampublikong edukasyon at nararapat lamang sa kanila ang kinakailangang mga rekurso upang maging dinamikong sentro ng pagtuturo, pag-aaral, at malikhaing ekspresyon ang bawat klasrum.  

Sa panahong ito ng COVID-19, kinakailangan ng SFUSD ng pamumuno na naiintindihan ang klasrum at kung paano matutulungan ang mga pamilyang magawa ang pinakamakakayanan sa mahirap na panahong ito. Kailangang-kailangan na ng mga estudyante at paaralan ang koneksiyon, katatagan, at sapat na mga rekurso upang maabot ang matataas na kinahihinatnang akademiko, pisikal mang nasa klasrum, o sa pamamagitan ng distance learning.  

Makatutulong ang aking karanasan at pamumuno sa Board of Education upang mas mahusay na mapaglingkuran ang ating mga estudyante at pamilya sa pamamagitan ng: 

• Pag-aadbokasiya para sa pamumuhunan, at pagkakaroon nito, sa Pampublikong Edukasyon sa lokal, pang-estado, at pambansang mga antas 

• Pagbuo ng Distance Learning Recovery Plan (Plano para Pagpapanumbalik sa Pamamagitan ng Pag-aaral Gamit ang Internet at Learning Kits), at nang matugunan ang mga hindi nagagawang pag-aaral sa panahon ng pandemyang ito

• Pagtatayo ng Mas Maraming Abot-kayang Pabahay para sa mga Edukador at Pamilya 

Ikinatutuwa kong kasama sa mga nag-eendoso sa akin ang/sina: 

United Educators of San Francisco  

Service Employees International Union (SEIU)1021

Coleman Action Fund 

San Francisco Berniecrats 

Bernal Heights Democratic Club 

San Francisco Board of Supervisors: 

Norman Yee, Presidente 

Gordon Mar 

Rafael Mandelman 

Hillary Ronen 

Shamann Walton 

Jane Kim (dating Superbisor) 

Mga Komisyoner ng San Francisco Board of Education:

Gabriela Lopez, Bise-Presidente 

Stevon Cook 

Jenny Lam 

Faauuga Moliga

Trustees (Mga Katiwala) ng San Francisco City College:  

Shanell Williams, Presidente 

Tom Temprano 

Chesa Boudin, San Francisco District Attorney (Abugado ng Distrito)  

Jeremiah Jeffries at Karen Zapata, Mga Tagapagtatag, Teachers 4 Social Justice

www.marksanchezsf.org 

Mark Sanchez

  • Mga Impormasyon ng Kandidato at Katungkulan
    • Mga Katungkulan sa Lungsod at County ng San Francisco na Pagbobotohan sa Eleksyong Ito
    • Mga Pahayag ng Inyong mga Kandidato
    All Candidate Statements
    所有候選人聲明
    Todas las declaraciones de las candidatos
    Lahat ng mga Pahayag ng mga Kandidato
  • Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 14
  • Kandidato para sa Senador ng Estado, Distrito 11
  • Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 17
  • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 19
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 1
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 3
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 5
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 7
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 9
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 11
  • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 7
  • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 9
  • Mga Kandidato para sa Board of Education (Lupon ng Edukasyon)
  • Mga Kandidato para sa Community College Board (Lupon ng Kolehiyo ng Komunidad)

Subaybayan kami!



© SF Department of Elections all rights reserved.
Privacy Policy | Terms of Use

  • Pangkalahatang Impormasyon
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota