Ang aking trabaho ay Miyembro ng Asembleya.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Ikinararangal ko na nahalal ako upang katawanin ang ika-17 Pang-asembleyang Distrito sa espesyal na eleksyon noong Abril 2022.
Mabilis kong naisagawa ang mga tungkulin sa Sacramento sa pamamagitan ng pagharap sa pinakamahihirap na hamon sa ating lungsod at estado: kawalan ng tahanan, pagbabago ng klima, pampublikong kaligtasan, at pagiging abot-kaya ng pabahay.
Sa aking pinaka-unang batas bilang Miyembro ng Asembleya, naging kasamang awtor ako ng pangkat ng mga batas na nagbibigay-proteksiyon sa karapatan ng kababaihang magpasya para sa sarili rito sa California. Itinalaga akong Katulong na Lider ng Mayorya para sa Polisiya at Pananaliksik, at nang mapamunuan ko ang trabaho ng aming magkakapulong sa partido tungo sa pagbuo ng inobatibo at naaaksiyunang pananaliksik at panukala para sa polisiya. At napamunuan ko na rin ang napakahalagang mga batas na magtatayo ng pabahay, magtatanggal sa mga indibidwal na may sakit sa isip mula sa mga kalye tungo sa pangangalaga, magpapabawas sa pagsingaw ng carbon, at makakapigil sa karahasang idinudulot ng mga baril.
Bilang inyong Miyembro ng Asembleya, palagi akong magtatrabaho upang maprotektahan ang batayang mga karapatan, at makikipaglaban para sa praktikal at mapangahas na mga solusyon sa malalaking hamon na kinakaharap natin.
Ang aking mga prayoridad:
• Magtayo ng 100,000 bagong unit ng pabahay sa San Francisco sa loob ng 10 taon upang magawang abot-kaya ng lahat ang pabahay.
• Palawakin ang supportive housing (pabahay na nagbibigay ng suporta) at pangangalaga para sa kalusugan ng isip, at nang dramatikong mabawasan ang kawalan ng tahanan at pagtira sa kalye.
• Protektahan ang karapatan ng kababaihan sa pagpapasya para sa sarili, mga karapatan ng LGBTQ+, at mga karapatang sibil.
• Harapin ang pagbabago ng klima sa pamamagitan ng pamumuhunan sa napanunumbalik na enerhiya at napananatiling pampublikong transportasyon.
• Suportahan ang community policing (pagpapatakbo ng pulisya nang may pakikipagtulungan sa komunidad), ihinto ang mga krimeng ibinubunsod ng pagkasuklam sa mga Asyano, at tanggalin ang mga baril at fentanyl mula sa kalye nang may epektibong mga konsekuwensiya.
• Pagbayarin ng kanilang makatarungang bahagi ang malalaking korporasyon at mga CEO na kumita ng bilyon-bilyon sa panahon ng pandemya.
Inendoso ng dose-dosenang lider at organisasyon, kasama na sina/ang:
• Gobernador Gavin Newsom
• Pangkalahatang Abugado Rob Bonta
• California Professional Firefighters
• California Nurses Association
• California Federation of Teachers
• California Environmental Voters
• Equality California
• SEIU California
• NARAL Pro-Choice California
• Planned Parenthood Northern California Action Fund
• Alice B. Toklas LGBTQ Democratic Club
• Chinese American Democratic Club
• San Francisco Women’s Political Committee
Alamin pa ang tungkol dito sa MattHaney.com
Matt Haney