Jump to navigation

  • Patnubay ng site
  • Laki ng letra
  • Text only
Mobile menu button
San Francisco Voter Guide logo
Online EdisyonPamplet ng Impormasyon Para sa Botante & Halimbawang BalotaPinagsamang Pangkalahatang Eleksyon
Nobyembre 8, 2022

Elections and accessibility

  • sfelections.org
  • Kadaliang Magamit
  • English
  • 繁體中文
  • Español
  • Filipino
  • Pangkalahatang Impormasyon
    • Mabilisang Gabay para sa Nobyembre 8, 2022 na Eleksyon
      • May mga Tanong ba Kayo?
      • Sulat mula sa Direktor
      • Pangkalahatang Buod ukol sa Opisyal na mga Mapagkukunan ng Impormasyon ng Botante
      • Ang Ballot Simplification Committee
      • Elections Commission (Komisyon para sa mga Eleksyon)
      • Maaaring Nagbago na ang Inyong Pinagbobotohang Distrito!
      • Bagong Mapa ng mga Superbisoryal na Distrito
      • Mga Opsiyon sa Pagboto
      • Mga Opisyal na Kahon na Hulugan ng Balota sa San Francisco
      • Volunteer! Be a Poll Worker!
      • Batas sa mga Karapatan Ng Botante
      • Tulungan kaming kumalap ng impormasyon para sa mga susunod na election outreach sa San Francisco!
      • Accessible na Pagboto at mga Serbisyo
      • Matutulungan namin kayo: Tulong sa wikang Filipino
      • Libreng mga Klase sa Ingles
      • hide
      • Balota para sa Nobyembre 8, 2022 na Eleksyon
      • Pagmamarka sa Inyong Balota
      • Mga Madalas Itanong ukol sa Pagpaparehistro at Pagboto sa San Francisco
      • Impormasyon Ukol sa mga Ipinagbabawal na Gawain sa Eleksyon
      • Mga Pangunahing Kaalaman tungkol sa Sistema ng Pagboto sa Lungsod
      • Panatilihing Napapanahon ang Impormasyon sa Inyong Rehistrasyon bilang Botante!
      • Impormasyon ukol sa Pagkapribado ng inyong Rehistrasyon bilang Botante
      • Safe at Home Program (Programang Ligtas sa Tahanan)
      • Mahalagang Paalala!
      • Itigil na ang pagtanggap ng inyong nakalimbag na Voter Information Pamphlet (Pamplet na Nagbibigay ng Impormasyon sa Botante)
      • Hanapin ang Kinaroroonan ng inyong Botohan at ang Halimbawang Balota Ninyo
      • XML Streams
      • Site Guide
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
    • Impormasyon ng Kandidato
      • Mga Limit sa Boluntaryong Gastos
      • Mga Pag-Endoso ng Partido sa mga Kandidato
      • Katungkulan sa Lungsod at County ng San Francisco na Pagbobotohan sa Eleksyong Ito
      • Mga Eleksyon ng California
      • Mga Pahayag ng Inyong mga Kandidato
      All Candidate Statements
      所有候選人聲明
      Todas las declaraciones de las candidatos
      Lahat ng mga Pahayag ng mga Kandidato
    • Mga Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 11
    • Mga Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 15
    • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 17
    • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 19
    • Mga Kandidato para sa Board of Education (Lupon ng Edukasyon)
    • Mga Kandidato para sa Community College Board (Lupon ng Kolehiyo ng Komunidad)
    • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 8
    • Kandidato para sa Assessor-Recorder (Tagatasa-Tagatala)
    • Mga Kandidato para sa Abugado ng Distrito
    • Mga Kandidato para sa Public Defender (Pampublikong Tagapagtanggol)
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 2
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 4
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 6
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 8
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 10
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota
    • Impormasyon tungkol sa mga Lokal na Panukalang-batas na nasa Balota at mga Argumento
      • Pangkalahatang Buod ng Utang ng San Francisco
      • Mga Salitang Dapat Ninyong Malaman
      • Proposisyon A: Karagdagang Pera para sa Retirado upang Umayon sa Halaga ng Pamumuhay; Kontrata ng Retirement Board sa Ehekutibong Direktor
      • Proposisyon B: Public Works Department and Commission, Sanitation and Streets Department and Commission
      • Proposisyon C: Homelessness Oversight Commission
      • Proposisyon D: Abot-kayang Pabahay – Inisyatibang Petisyon
      • Proposisyon E: Abot-kayang Pabahay – Board of Supervisors
      • Proposisyon F: Pondo para sa Preserbasyon ng Aklatan
      • Proposisyon G: Pondo para sa Tagumpay ng Estudyante – Tulong-Pinansiyal sa San Francisco Unified School District
      • Proposisyon H: Mga Eleksyon sa Lungsod sa mga Taon na May Bilang na Even
      • Proposisyon I: Mga Sasakyan sa JFK Drive sa Golden Gate Park at sa Great Highway
      • Proposisyon J: Panlibangang Paggamit sa JFK Drive sa Golden Gate Park
      • Proposisyon K: Inalis ang Proposisyon K sa balota ayon sa utos ng Korte Superyor ng San Francisco.
      • Proposisyon L: Sales Tax para sa mga Proyekto sa Transportasyon
      • Proposisyon M: Buwis para sa Pagpapanatiling Bakante ng Residensiyal na mga Unit
      • Proposisyon N: Pasilidad para sa Underground na Paradahan sa Golden Gate Park; Golden Gate Park Concourse Authority
      • Proposisyon O: Karagdagang Parcel Tax para sa City College

You are here

  1. Bahay ›
  2. Impormasyon tungkol sa Kandidato ›

Mga Kandidato para sa Abugado ng Distrito

Hindi nagsusumite ang lahat ng kandidato ng pahayag ng mga kuwalipikasyon. Makikita ang kumpletong listahan ng mga kandidato sa halimbawang balota. Kusang-loob na ibinigay ng mga kandidato ang mga pahayag at hindi isiniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga pahayag gaya ng isinumite. Hindi iwinasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin ito sa pinakamalapit, hangga't maaari, na orihinal na teksto.

MAURICE CHENIER

Ang aking trabaho ay Abugado ng Batas.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Natibo akong taga-San Francisco. Nag-aral ako sa St. Ignatius H.S., SFSU, University of San Francisco at sa paaralan ng batas ng Santa Clara University (1992). Habang nasa paaralan ng batas, naglingkod ako bilang klerk ng batas para sa CA DOJ, sa Antitrust (mga gawain sa pagnenegosyo) na dibisyon. Naglingkod din ako bilang klerk ng batas para sa opisina ng Pederal na Pampublikong Tagapagtanggol sa SJ, CA. Nang makapagtapos ako ng pag-aaral, naglingkod ako bilang klerk ng batas sa Pederal na Pandistritong Hukom, kung saan, nanumpa ako bilang abugado sa CA noong 1993. Magmula noong panahong iyon, tuloy-tuloy na akong nag-abugado sa loob ng 29 taon. Isa na ako ngayong 29-taong abugado sa paghahabla at paglilitis. Kasama sa aking trabaho ang pagdedepensa sa mahihirap sa batas kriminal, pagdedepensa sa batas ukol sa seguro, paghahabla sa taga-empleyo, paghahabla para sa mga karapatang sibil, paghahabla sa negosyo, at paghahabla sa pangkalahatang batas sibil. Kung mahahalal ako bilang DA ng SF, plano kong magpatupad ng agresibong pamamaraan sa pagsasakdal sa mga krimen, paguusig sa mga krimen, at pagsesentensiya. Plano kong agresibong ipatupad ang batas bilang pagtugon sa daluyong ng mga krimen na nagpapahirap na sa ating Lungsod nitong nakaraang 20 taon. Plano kong wakasan ang krimen ayon sa pagkakakilala natin dito sa kasalukuyan at ibalik ang batas at kaayusan, at nang magawang ligtas ang Lungsod para sa lahat. 

Maurice Chenier

JOHN HAMASAKI

Ang aking trabaho ay Abugado.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Bilang dating Komisyoner ng Pulisya ng San Francisco, ang pampublikong kaligtasan ang aking #1 misyon. Bilang Abugado ng Distrito, pananagutin ko ang lahat: mula sa mga nagbebenta ng fentanyl sa Tenderloin hanggang sa mga nagbebenta ng impluwensiya sa City Hall.  

Kailangan ng San Francisco ng independiyenteng Abugado ng Distrito, na titindig laban sa mga makapangyarihan at makikipaglaban para sa taumbayan. Magiging independiyente ako mula sa politikal na makinaryang nagpapatakbo sa San Francisco, at mananagot lamang ako sa inyo dahil kayo ang “magtatalaga” sa akin.  

Bilang biktima ng karahasan laban sa mga Asyano, nauunawaan ko batay sa personal na karanasan ang mga pinangangambahan ng ating komunidad. Bilang Presidente ng Asian American Bar Association (Asosasyon ng mga Abugadong Asyano Amerikano), hinarap ko ang pagdami ng mga insidente ng karahasan laban sa mga Asyano sa panahon ng pandemya. Bilang Abugado ng Distrito, makikipaglaban ako para sa kaligtasan ng ating matatanda at iba pang bulnerableng biktima. 

Magkakaroon ng mga konsekuwensiya, kasama na ang pagkakakulong, ang mga mananakit sa ating mga residente o mang-aabuso sa pagtitiwala ng publiko. Walang hindi masasakop ng batas.  

Sa loob ng maraming taon, kinatawan ko na ang mga biktima ng krimen na naghahangad ng katarungan. Alam kong makapagtatrabaho tayo nang magkakasama upang muli nating magawang ligtas at makatarungan ang ating Lungsod, nang hindi bumabalik sa pagsasakdal na nakatuon sa maramihang pagpapakulong, sa pamamagitan ng pagpapanagot sa lahat para sa kanilang mga aksiyon.  

Pakisamahan ang aming maagang mga tagasuporta sa pakikipaglaban para sa San Francisco:  

• Mark Leno, Dating Senador ng Estado ng California 

• Tom Ammiano, dating Miyembro ng Asembleya ng California 

• Norman Yee, dating Presidente ng Board of Supervisors

• Matt Gonzalez, dating Presidente ng Board of Supervisors

• Dean Preston, Superbisor ng San Francisco 

• Sandra Lee Fewer, dating Superbisor ng San Francisco

• Angela Chan, dating Komisyoner ng Pulisya ng San Francisco 

• Petra de Jesus, dating Komisyoner ng Pulisya ng San Francisco 

www.JohnHamasaki.com 

John Hamasaki 

BROOKE JENKINS

Ang aking trabaho ay Abugado ng Distrito.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Bago ako naging Abugado ng Distrito, naglingkod ako sa loob ng pitong taon bilang taga-usig sa Opisina ng Abugado ng Distrito ng San Francisco. Isinakdal ko ang mga krimeng ibinubunsod ng pagkasuklam, seksuwal na pag-atake, at mga kaso ng pagpatay, habang nakikipaglaban para sa katarungan sa mga biktima. 

Sa loob ng napakatagal na panahon, hindi narinig ang mga inaalala ng mga taga-San Francisco ukol sa pampublikong kaligtasan. Hindi na mabibiktima ng mararahas at paulit-ulit na lumalabag sa batas ang ating lungsod nang walang konsekuwensiya. Hindi na bibigyan ng dahilan ang krimen laban sa ari-arian bilang bahagi ng “buhay sa malaking lungsod.” Hindi na palalampasin ang mga lantad na merkado ng droga sa labas ng mga gusali. Hindi na dapat mamuhay ang ating komunidad ng mga AAPI nang nangangamba dahil sa pagkasuklam at karahasan. 

Bilang Itim at Latinang babae, alam ko kung ano ang maaaring maging hitsura ng tunay na reporma. Hindi teoretikal para sa akin ang kawalan ng katarungan sa pagkakapantay-pantay sa sistema ng criminal justice (pagpapatupad at pagpapanagot sa batas) — naranasan ng aking pamilya ang mga epekto ng karahasan at maling pag-asal ng pulisya. 

Naniniwala akong maaaring kapwa magkaroon ng reporma sa criminal justice at ng pampublikong kaligtasan. Magtatrabaho ang aking opisina bilang iisang pangkat na nag-aadbokasiya para sa mga biktima habang isinusulong ang mga reporma at ang kaligtasan. 

Makikinig ako sa magkakaibang tinig sa bawat komunidad habang araw-araw na nagtatrabaho upang magawang mas ligtas at mas makatarungang lugar para sa paninirahan ang ating lungsod. 

Para sa kaligtasan, reporma, at katarungan, samahan kami: www.BrookeJenkinsSF.com

Inendoso nina:   

Mayor London Breed

Senador Scott Wiener 

Tesorero ng Estado Fiona Ma

Sheriff Paul Miyamoto

Superbisor Matt Dorsey 

Superbisor Rafael Mandelman

Superbisor Ahsha Safaí

Brooke Jenkins

JOE ALIOTO VERONESE

Ang aking trabaho ay Abugado para sa mga Karapatang Sibil.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Bilang inyong susunod na Abugado ng Distrito, gagawin kong mas ligtas na lugar ang San Francisco para sa paninirahan, pagtatrabaho, at pagpapalaki ng pamilya. 

Ilang maiiksing taon lamang ang nakalipas, ibinoto ang San Francisco bilang paboritong Lungsod ng Amerika — para sa paninirahan at pagbisita. Ipinagkapuri natin noon ang ating progresibong mga pinahahalagahan, at pakiramdam natin noon ay ligtas tayo sa ating mga tahanan at komunidad. 

Ngayon, nagbago na ang San Francisco. Nasangkot na ang mga politiko sa sistema ng hustisya ng San Francisco — kung saan binibiyayaan ang kriminal na pag-asal habang ipinagwawalang-bahala ang mga biktima nito. Dumami na ang walang pinipili at mararahas na krimen. Dumami na ang mga krimen laban sa ari-arian. Hindi na natin nararamdamang ligtas tayo sa San Francisco. 

Bilang inyong Abugado ng Distrito, magbabago ito.  

Ang aking mga prayoridad ay ang pagtatanggal mula sa mga kalye sa mararahas at paulit-ulit na lumalabag sa batas, habang naghahatid ng pang-ika-21 siglong sistema ng criminal justice na magpapanatili sa ating ligtas habang pinaglilingkuran ang mga biktima ng krimen.

Inaasahan ng mga mamamayan ng San Francisco na marereporma ng Abugado ng Distrito ang sistema ng pagbibigay-katarungan na wala sa proporsiyong naapektuhan na ang mga indibidwal na may kulay at mababa ang kita, habang patuloy pa ring pinananatiling ligtas ang ating mga komunidad. 

Tumatakbo ako upang maging abugado ng distrito dahil kuwalipikado akong maghatid ng sistema ng pagbibigay-katarungan na makatwiran, may hustisya sa pagkakapantay-pantay, at may pananagutan sa bawat isa sa atin. 

Salamat po sa inyong suporta. 

Joe Alioto Veronese 

  • Impormasyon ng Kandidato
    • Mga Limit sa Boluntaryong Gastos
    • Mga Pag-Endoso ng Partido sa mga Kandidato
    • Katungkulan sa Lungsod at County ng San Francisco na Pagbobotohan sa Eleksyong Ito
    • Mga Eleksyon ng California
    • Mga Pahayag ng Inyong mga Kandidato
    All Candidate Statements
    所有候選人聲明
    Todas las declaraciones de las candidatos
    Lahat ng mga Pahayag ng mga Kandidato
  • Mga Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 11
  • Mga Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 15
  • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 17
  • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 19
  • Mga Kandidato para sa Board of Education (Lupon ng Edukasyon)
  • Mga Kandidato para sa Community College Board (Lupon ng Kolehiyo ng Komunidad)
  • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 8
  • Kandidato para sa Assessor-Recorder (Tagatasa-Tagatala)
  • Mga Kandidato para sa Abugado ng Distrito
  • Mga Kandidato para sa Public Defender (Pampublikong Tagapagtanggol)
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 2
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 4
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 6
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 8
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 10

Subaybayan kami!



© SF Department of Elections all rights reserved.
Privacy Policy | Terms of Use

  • Pangkalahatang Impormasyon
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota