Jump to navigation

  • Patnubay ng site
  • Laki ng letra
  • Text only
Mobile menu button
San Francisco Voter Guide logo
Online EdisyonPamplet ng Impormasyon Para sa Botante & Halimbawang BalotaPinagsamang Pambuong-Estado na Tuwirang Primaryang Eleksyon
Hunyo 7, 2022

Elections and accessibility

  • sfelections.org
  • Kadaliang Magamit
  • English
  • 繁體中文
  • Español
  • Filipino
  • Pangkalahatang Impormasyon
    • Mabilisang Gabay para sa Hunyo 7, 2022 na Eleksyon
      • May mga Tanong ba Kayo?
      • Sulat mula sa Direktor
      • Pangkalahatang Buod ukol sa Opisyal na mga Mapagkukunan ng Impormasyon ng Botante
      • Ang Ballot Simplification Committee
      • Elections Commission (Komisyon para sa mga Eleksyon)
      • Mga Bagong Linya ng mga Pinagbobotohang Distrito para sa 2022
      • Mga Opsiyon sa Pagboto
      • Mapa at Lokasyon ng mga Opisyal na Kahon na Hulugan ng Balota sa San Francisco
      • Batas sa mga Karapatan Ng Botante
      • Accessible na Pagboto at mga Serbisyo
      • Matutulungan namin kayo: Tulong sa wikang Filipino
      • Libreng mga Klase sa Ingles
      • hide
      • Balota para sa Hunyo 7, 2022 na Eleksyon
      • Pagmamarka sa Inyong Balota
      • Mga Madalas Itanong ukol sa Pagpaparehistro at Pagboto sa San Francisco
      • Impormasyon Ukol sa mga Ipinagbabawal na Gawain sa Eleksyon
      • Mga Pangunahing Kaalaman tungkol sa Sistema ng Pagboto sa Lungsod
      • Panatilihing Napapanahon ang Impormasyon sa Inyong Rehistrasyon bilang Botante!
      • Impormasyon ukol sa Pagkapribado ng inyong Rehistrasyon bilang Botante
      • Safe at Home Program (Programang Ligtas sa Tahanan)
      • Mahalagang Paalala!
      • Itigil na ang pagtanggap ng inyong nakalimbag na Voter Information Pamphlet (Pamplet na Nagbibigay ng Impormasyon sa Botante)
      • Magboluntaryo! Maging isang Poll Worker!
      • Hanapin ang Kinaroroonan ng inyong Botohan at ang Halimbawang Balota Ninyo
      • XML Streams
      • Site Guide
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
    • Impormasyon ng Kandidato
      • Mga Limit sa Boluntaryong Gastos
      • Mga Pag-Endoso ng Partido sa mga Kandidato
      • Katungkulan sa Lungsod at County ng San Francisco na Pagbobotohan sa Eleksyong Ito
      • Primaryang Eleksyon ng California
      • Mga Pahayag ng Inyong mga Kandidato
      All Candidate Statements
      所有候選人聲明
      Todas las declaraciones de las candidatos
      Lahat ng mga Pahayag ng mga Kandidato
    • Mga Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 11
    • Mga Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 15
    • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 17
    • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 19
    • Mga Kandidato para sa Abugado ng Lungsod
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota
    • Impormasyon tungkol sa mga Lokal na Panukalang-batas na nasa Balota at mga Argumento
      • Pangkalahatang Buod ng Utang ng San Francisco
      • Mga Salitang Dapat Ninyong Malaman
      • Proposisyon A: Bond (utang ng gobyerno) para sa Pagiging Maaasahan ng Muni at Kaligtasan sa mga Kalye
      • Proposisyon B: Building Inspection Commission (Komisyon sa Pag-iinspeksiyon ng mga Gusali)
      • Proposisyon C: Iskedyul ng mga Gawain para sa Recall (Pagpapaalis sa Katungkulan) at Pagtatalaga para sa Nabakanteng mga Katungkulan
      • Proposisyon D: Office of Victim and Witness Rights (Opisina para sa mga Karapatan ng mga Biktima at Saksi); Serbisyo Legal para sa mga Biktima ng Karahasan sa Tahanan
      • Proposisyon E: Behested Payments (Perang Hinihiling ng Pampublikong Opisyal para sa Layuning Lehislatibo, para sa Gobyerno, o Pangkawanggawa)
      • Proposisyon F: Pangongolekta at Pagtatapon sa Basura
      • Proposisyon G: Pagliban nang Dahil sa Emergency sa Pampublikong Kalusugan
      • Proposisyon H: Panukala ukol sa Recall (Pagpapaalis sa Katungkulan) ni Chesa Boudin

You are here

  1. Bahay ›
  2. Pangkalahatang Impormasyon ›

Mga Bagong Linya ng mga Pinagbobotohang Distrito para sa 2022

Bawat sampung taon, matapos ilabas ng U.S. Census Bureau (Kawanihan ng Senso ng U.S.) ang bilang ng lahat ng naninirahan sa loob ng Estados Unidos, gagamitin ng mga lokal at pang-estadong komite sa muling pagdidistrito ang nasabing datos para gumuhit ng mga bagong hangganan ng mga pinagbobotohang distrito para mapanatili ang pantay na bilang ng mga taong naninirahan sa loob ng bawat pinagbobotohang distrito. Maaaring nagbago na ang inyong pinagbobotohang distrito bilang resulta ng natapos kamakailan lamang na senso at proseso ng muling pagdidistrito.

Aling mga pinagbobotohang distrito ang nagbago? 

Sakop ng mga pinagbobotohang distrito ang mga distrito para sa Board of Equalization (Lupon ng Tagasingil ng Buwis), State Senate (Senado ng Estado), State Assembly (Asembleya ng Estado), pati na rin ang U.S. Congressional (Kongresyonal ng U.S.), BART, at Supervisorial (Superbisoryal) na mga Distrito. Bagama’t walang magbabago sa mga linya ng hangganan ng Distrito ng Board of Equalization ng San Francisco o ng State Senate, mayroon namang pagbabago sa State Assembly, U.S. Congressional, BART, at Supervisorial na mga Distrito.

Kailan ipatutupad ang mga pagbabagong ito? 

Sisimulang gamitin ng San Francisco ang mga bagong mapa para sa State Assembly at U.S. Congressional District sa Hunyo 7, 2022, Pinagsamang Pambuong-Estado na Tuwirang Primaryang Eleksyon. Gagamitin naman ang bagong mga mapa para sa BART at lokal na Supervisorial District simula sa Nobyembre 8, 2022, Pinagsamang Pangkalahatang Eleksyon.

Paano ako maaapektuhan bilang botante nitong mga bagong linya ng pinagbobotohang distrito? 

Dahil ang kombinasyon ng mga pinagbobotohang distrito kung saan kayo nakatira ang tutukoy sa inyong kasalukuyang mga kinatawan at mga kandidatong nakalista sa inyong balota kapag kayo’y bumoboto, ang inyong balota para sa Hunyo at/o Nobyembre 2022 ay maaaring may magkaibang mga kandidato kaysa sa nakalista sa ilalim ng dating linya ng pinagbobotohang mga distrito. Gayunpaman, hindi maaapektuhan ang lahat ng botante sa lungsod nitong bagong linya ng mga pinagbobotohang distrito.

Paano ko malalaman kung nagbago na ang aking mga pinagbobotohang distrito? 

Maaari ninyong suriin ang mga mapa ng mga bagong pinagbobotohang distrito ng San Francisco sa sfelections.sfgov.org/maps o gamitin ang online na tool ng Departamento ng mga Eleksyon sa sfelections.org/myvotingdistrict para hanapin ang inyong pinagbobotohang mga distrito.

Maaari din ninyong gamiting sanggunian ang mga mapa sa susunod na pahina na nagpapakita ng mga bagong linya ng State Assembly at U.S. Congressional District na paiiralin simula sa eleksyon sa Hunyo 7.

Paano ko malalaman kung nagbago na ang aking pinagbobotohang presinto? 

Ang mga pinagbobotohang presinto ay mga heograpikal na lugar na ginagamit para iorganisa ang mga lugar ng botohan sa komunidad. Matapos makompleto ang mga pang-estado at panlokal na proseso ng muling pagdidistrito sa panahon ng tagsibol ng 2022, iguguhit muli ng Departamento ng mga Eleksyon ang mga hangganan ng linya ng kanyang mga presinto para matiyak na wala sa mga ito ang mahahati nang dahil sa mga bagong pinagbobotohang mga distrito.

Tulad sa bawat nakaraang eleksyon, makatatanggap kayo ng Pamplet ng Impormasyon para sa Botante humigit kumulang isang buwan bago mag-eleksyon sa Hunyo at Nobyembre 2022. Makikita ninyo ang itinalaga para sa inyong lugar ng botohan sa likod ng inyong Pamplet ng Impormasyon para sa Botante o online sa sfelections.org/voterportal.

Sino ang gumawa ng mga pagbabago sa mga linya ng distrito at paano nangyari ito? 

Noong Disyembre 2021, muling iginuhit ng California Citizens Redistricting Commission (Komisyon para sa Muling Pagdidistrito ng mga Mamamayan ng California) ang mga linya ng hangganan ng mga distrito ng Califonia State Assembly, State Senate, at State Board of Equalization, pati na rin ang U.S. Congressional na mga distrito. At noong Marso 2022, muling iginuhit naman ng BART Board of Directors’ Redistricting Committee (Komite para sa Muling Pagdidistrito ng Lupon ng mga Direktor ng BART) ang mga distrito ng BART. At sa wakas, noong Abril 2022, iginuhit muli ng lokal na Task Force para sa Muling Pagdidistrito ang mga linya ng hangganan ng lokal na Superbisoryal na Distrito ng San Francisco. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang wedrawthelinesca.org, bart.gov/news/articles/2021/news20211105, at sfelections.org/rdtf.

May mga tanong pa ba kayo? Tawagan lamang kami sa (415) 554-4310, mag-email sa SFVote [at] sfgov.org (sfvote@sfgov)SFVote [at] sfgov.org (.)SFVote [at] sfgov.org (org), o bisitahin ang tanggapan ng Departamento ng mga Eleksyon sa City Hall, Room 48.

 

  • Mabilisang Gabay para sa Hunyo 7, 2022 na Eleksyon
    • May mga Tanong ba Kayo?
    • Sulat mula sa Direktor
    • Pangkalahatang Buod ukol sa Opisyal na mga Mapagkukunan ng Impormasyon ng Botante
    • Ang Ballot Simplification Committee
    • Elections Commission (Komisyon para sa mga Eleksyon)
    • Mga Bagong Linya ng mga Pinagbobotohang Distrito para sa 2022
    • Mga Opsiyon sa Pagboto
    • Mapa at Lokasyon ng mga Opisyal na Kahon na Hulugan ng Balota sa San Francisco
    • Batas sa mga Karapatan Ng Botante
    • Accessible na Pagboto at mga Serbisyo
    • Matutulungan namin kayo: Tulong sa wikang Filipino
    • Libreng mga Klase sa Ingles
    • hide
    • Balota para sa Hunyo 7, 2022 na Eleksyon
    • Pagmamarka sa Inyong Balota
    • Mga Madalas Itanong ukol sa Pagpaparehistro at Pagboto sa San Francisco
    • Impormasyon Ukol sa mga Ipinagbabawal na Gawain sa Eleksyon
    • Mga Pangunahing Kaalaman tungkol sa Sistema ng Pagboto sa Lungsod
    • Panatilihing Napapanahon ang Impormasyon sa Inyong Rehistrasyon bilang Botante!
    • Impormasyon ukol sa Pagkapribado ng inyong Rehistrasyon bilang Botante
    • Safe at Home Program (Programang Ligtas sa Tahanan)
    • Mahalagang Paalala!
    • Itigil na ang pagtanggap ng inyong nakalimbag na Voter Information Pamphlet (Pamplet na Nagbibigay ng Impormasyon sa Botante)
    • Magboluntaryo! Maging isang Poll Worker!
    • Hanapin ang Kinaroroonan ng inyong Botohan at ang Halimbawang Balota Ninyo
    • XML Streams
    • Site Guide

Subaybayan kami!



© SF Department of Elections all rights reserved.
Privacy Policy | Terms of Use

  • Pangkalahatang Impormasyon
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota