Matutulungan namin kayo: Tulong sa wikang Filipino
Alinsunod sa mga pampederal at pang-estadong batas tungkol sa language access, nagkakaloob ang Departamento ng mga Eleksyon ng mga materyales at tulong sa mga wikang Tsino, Espanyol, at Filipino, pati na sa Ingles. Patuloy na binibigyang prayoridad ng Departamento ang programa nitong multilingual, at ang pagpapahusay ng serbisyo nito sa lahat ng botante, kabilang na ang mga may limitadong kahusayan sa wikang Ingles. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa sfelections.org o tumawag sa (415) 554-4310.