Mahalagang Paalala!
![]() |
I-check ang inyong mailbox para sa inyong pakete ng balotang vote-by-mail. Maaaring piliin ng sinumang rehistradong botante na bumoto sa balotang matatanggap nila sa koreo sa unang bahagi ng Oktubre o bumoto nang personal sa Nobyembre 8, 2022 na eleksyon. |
![]() |
Ibalik ang inyong balota sa lalong madaling panahon. Ang mga balotang ibabalik sa pamamagitan ng koreo ay kailangang mai-postmark bago o sa Nobyembre 8. Nabayaran na ang selyo ng pambalik na sobre ng balota na kalakip ng inyong paketeng vote-by-mail. Ang mga balotang ibabalik nang personal ay kailangang ihatid sa opisyal na kahon na hulugan ng balota, sa Sentro ng Botohan sa City Hall, o sa alinmang lugar ng botohan sa San Francisco nang hindi lalagpas ng 8 p.m. sa Araw ng Eleksyon, Nobyembre 8. |
![]() |
Subaybayan ang inyong balota. Bisitahin ang sfelections.org/voterportal para i-check kung ang inyong balota ay natanggap at nabilang. Maaari din kayong mag-sign up para sa mga notipikasyon sa email, text, o voice message ukol sa pagsubaybay sa balota sa wheresmyballot.sos.ca.gov. |
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang loob ng pamplet na ito, makipag-ugnayan sa Departamento ng mga Eleksyon sa (415) 554-4310 o sa sfvote [at] sfgov.org, o bisitahin ang sfelections.org.