Mabilisang Gabay para sa Nobyembre 8, 2022 na Eleksyon
Mga Highlights ng Eleksyon |
||
![]() |
Ipadadala ang mga balota sa pamamagitan ng koreo sa lahat ng rehistradong botante at maaaring bumoto sa pamamagitan ng koreo ang sinumang botante sa halip na pumunta pa sa botohan sa Araw ng Eleksyon. |
|
![]() |
Maaaring ma-access ng sinumang rehistradong botante ang kanilang balota gamit ang Sistema ng Accessible na Vote-by-Mail sa sfelections.org/access. |
|
![]() |
Mayroong oportunidad na makaboto nang personal sa Sentro ng Botohan sa City Hall at sa 501 na lugar ng botohan. |
Mga Mahahalagang Petsa |
||
Oktubre 10 |
|
Magsisimulang dumating ang mga balota sa mailbox ng mga botante. Magbubukas ang Sistema ng Accessible na Vote-by-Mail (AVBM) para sa lahat ng lokal na rehistradong botante. Magagamit ang 34 na opisyal na kahon na hulugan ng balota sa buong San Francisco. |
Oktubre 11 |
|
Magbubukas ang Sentro ng Botohan sa City Hall para sa pagboto nang personal at paghuhulog ng balota. |
Oktubre 24 |
|
Huling araw ng pagpaparehistro upang makaboto at makatanggap ng balota sa koreo. Matapos ang Oktubre 24, maaari pa ring personal na magparehistro nang kondisyonal at bumoto nang probisyonal sa Sentro ng Botohan sa City Hall o sa lugar ng botohan ang sinumang kuwalipikado na bumoto. |
Oktubre 29–30 at Nobyembre 5–6 |
![]() |
Magbubukas ang Sentro ng Botohan sa City Hall sa dalawang Sabado at Linggo bago ang Araw ng Eleksyon. Ang mga oras para sa mga Sabado at Linggo ay mula 10 a.m. hanggang 4 p.m. |
ARAW NG ELEKSYON, Martes, Nobyembre 8 |
|
Bukas ang lahat ng lugar ng botohan para sa paghuhulog ng balotang vote-by-mail at sa pagboto nang personal mula 7 a.m. hanggang 8 p.m. Para mabilang, dapat mai-postmark bago o sa araw ng Nobyembre 8 ang mga balotang ibabalik sa pamamagitan ng koreo, at ang mga balotang ibabalik nang personal ay dapat maihatid sa Sentro ng Botohan sa City Hall, sa kahon na hulugan ng balota, o sa lugar ng botohan nang hindi lalagpas ng 8 p.m. sa Araw ng Eleksyon, Nobyembre 8. |
Gusto ba ninyong kumita ng pera habang tumutulong sa inyong komunidad? Sumali bilang manggagawa sa lugar ng botohan – maaari kayong makatanggap ng sahod na aabot sa $295 habang nagsisilbi sa mga botante sa lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon! Espesyal kaming nangangailangan ng mga indibidwal na nagsasalita ng iba’t ibang wika! Mag-sign up sa sfelections.org/pwa o tumawag sa amin sa (415) 554-4395. |
![]() |