Ang aking trabaho ay Miyembro ng Kongreso.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Itinuturing ko ang aking responsibilidad na paglingkuran kayo bilang seryosong bagay, at iyan ang dahilan kung bakit nagdaraos ako ng regular na mga townhall (pampublikong pulong) upang mapakinggan kayo. Batay sa inyong mga inaalala, nagawa ko na ang mga sumusunod:
COVID-19/mga inireresetang gamot- pagsuporta sa pagpapababa sa presyo ng mga inireresetang gamot sa pamamagitan ng pakikipagnegosasyon ng gobyerno sa mga kompanya, gamit ang kapangyarihan ng gobyerno sa panahon ng giyera upang magkaroon ng supplies para sa COVID-19, at matiyak ang personal na kagamitang nagbibigay ng proteksiyon sa mga nagkakaloob ng pangangalaga sa kalusugan.
Kanser/diskriminasyon-- nakakuha ng pondo para sa pananaliksik ukol sa pediatric cancer (kanser sa mga bata) at bumoto upang mawakasan ang diskriminasyon laban sa taglay nang mga medikal na kondisyon.
Katarungan - naging katuwang sa pagtataguyod ng George Floyd Justice In Policing Act (Batas George Floyd ukol sa Katarungan sa Pagpapatakbo ng Pulisya) at nang magkakaroon ng malalaking pagbabago sa pagpapatakbo ng pulisya.
Klima – naging katuwang sa pagtataguyod ng Green New Deal (Plano kaugnay ng Pagbabago ng Klima), naging awtor ng mga batas na nagpapabili ng kumbersiyon ng industriya sa sasakyan ng US tungo sa mga electric na sasakyan.
Trapiko/pabahay/ingay sa airport – tumulong sa pagkuha ng $647 milyon na pederal na grant (tulong pinansiyal) para sa elektripikasyon ng Caltrain, at nang mabawasan ang polusyon, at nakipaglaban para sa abot-kayang pabahay sa mga pampublikong lupa, nagtaguyod ng 8 panukalang-batas na nagpapahintulot sa mga curfew sa airport, pera sa insulasyon ng bahay, at bagong mga ruta upang maiwasan ang ingay sa gabi.
Pagiging makatarungan sa ekonomiya---bumoto para sa mas matataas na bayad para sa unemployment (tinatanggap na pera ng nawalan ng trabaho mula sa estado), pagpapatigil ng pagbabayad sa utang ng estudyante, pagpigil sa mga pagpapaalis sa tirahan, pagpapautang sa maliliit na negosyo, nagtaguyod ng panukalang batas na naggagarantiya ng pederal na benepisyo sa pagkamatay upang masuportahan ang pamilya ng mahahalagang manggagawa, sinuportahan ang unibersal na pangangalaga sa bata/Pre-K.
Mga baril – nagtaguyod ng 3 pagbili ng pribadong armas, sinuportahan ang komprehensibong background check (pagsisiyasat ukol sa pagkatao at rekord ng indibidwal) at pagbabawal sa assault weapons (semiautomatic na riple, shotgun o pistola).
Mga Beterano – nabawi ang mahigit sa $200,000 na mga benepisyo.
Pagkakapantay-pantay para sa kababaihan/ pagkakapantay-pantay para sa lahat – nag-awtor ng resolusyon upang mapabilis ang ratipikasyon ng Equal Rights Amendment (Pag-amyenda sa Konstitusyon para sa Pantay na mga Karapatan), ng Me Too Congress Act (Nag-aamyendang Batas ng Kongreso ukol sa Proteksiyon Laban sa Seksuwal na Pangha-harass at Diskriminasyon), tagapagtanggol ng mga karapatang LGBTQ, nag-aadbokasiya para sa mga karapatang reproduktibo, katarungan para sa mga nakalampas sa seksuwal na pag-atake sa military (hukbong sandatahan) at kolehiyo, at pagharap sa mga krimen na ibinubunsod ng pagkasuklam.
Kayo ang aking prayoridad. Magalang ko pong hinihingi ang inyong boto.
Jackie Speier