Impormasyon ukol sa Pagkapribado ng inyong Rehistrasyon bilang Botante
Ginagamit ng opisyal ng eleksyon ang impormasyon sa inyong rekord ng rehistrasyon upang mapadalhan kayo ng mga opisyal na mga pang-eleksyong materyales. Ipinagbabawal ng batas at isang misdemeanor ang komersiyal na paggamit ng impormasyong nasa rehistrasyon ng botante. Maaaring ibigay ang impormasyon tungkol sa botante, kapag ito’y hiniling, para sa layunin ng eleksyon, pag-aaral, pamamahayag, politikal, o mga layunin ng pamahalaan, ayon sa pasya ng Kalihim ng Estado. Ang ilang impormasyon tulad ng lisensya sa pagmamaneho, mga numero ng social security at mga pirma sa rekord ay hindi maaaring maisiwalat para sa mga layuning ito. Kung kayo’y mayroong anumang katanungan tungkol sa paggamit ng impormasyon ng botante o kung nais ninyong magreport ng pinaghihinalaang maling paggamit ng ganoong impormasyon, mangyaring tumawag sa Hotline para sa Botante ng Kalihim ng Estado, walang bayad sa: (800) 345-VOTE (8683).