Impormasyon tungkol sa mga Lokal na Panukalang-batas na nasa Balota at mga Argumento
Alinsunod sa lokal na batas, nilalaman ng pamplet na ito ang sumusunod na impormasyon tungkol sa mga lokal na panukalang-batas:
1. Pagkilala sa bawat panukalang-batas sa pamamagitan ng letra at titulo,
2. Pahayag o tanong ng City Attorney (Abugado ng Lungsod),
3. Buod o digest ng Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota),
4. Pagsusuri ng Controller (Tagapamahala ng Pinansiya ng Lungsod) tungkol sa epekto sa pananalapi,
5. Paliwanag kung paano naging kuwalipikadong mailagay sa balota ang panukalang-batas,
6. Legal na teksto (para sa legal na teksto, tingnan ang Ingles na bersiyon ng pamplet na ito), at
7. Anumang karagdagang impormasyon na hinihingi ng Municipal Elections Code ng San Francisco (Kodigo para sa Munisipal na Eleksyon, SFMEC) §500.
Maaaring ibigay ang mga sumusunod na argumento para sa lokal na panukalang-batas:
1. Isang argumento ng may-panukala (pabor sa panukalang-batas), na pinili ayon sa SFMEC §545 at nakalimbag nang walang bayad,
2. Isang argumento ng katunggali (laban sa panukalang-batas), na pinili ayon sa SFMEC §545 at nakalimbag nang walang bayad,
3. Isang sagot sa argumento para sa bawat argumento ng may-panukala at katunggali ng panukalang-batas, pinili ayon sa SFMEC §550 at nakalimbag nang walang bayad.
4. Anumang may bayad na argumeto na nai-sumite alinsunod sa SFMEC §555-570. (Maililimbag nang magkasama sa pangunahing Ingles na bersiyon ng pamplet ang lahat ng may bayad na argumento na pabor sa panukalang-batas, kasunod ng mga may bayad na argumento na laban sa panukalang-batas. Lahat ng argumento ay pawang opinyon ng mga may-akda at inililimbag ang mga argumento ayon sa pagkakasumite, kasama na ang anumang kamalian sa pagta-type, spelling, o grammar).