Impormasyon tungkol sa mga Lokal na Panukalang-batas na nasa Balota at mga Argumento
Ibinibigay ang mga sumusunod na walang kinikilingang impormasyon para sa lahat ng lokal na panukalang-batas sa balota:
1. Pagkilala sa bawat panukalang-batas sa pamamagitan ng letra at titulo
2. Pahayag o tanong ng City Attorney (Abugado ng Lungsod) para sa bawat panukalang-batas
3. Buod o digest ng bawat panukalang-batas na inihanda ng Komite para Gawing mas Simple ang Balota
4. Pahayag ng City Controller (Tagapamahala ng Pinansiya ng Lungsod) tungkol sa epekto sa pananalapi o gastos ng bawat panukalang-batas
5. Paliwanag kung paano naging kuwalipikadong mailagay sa balota ang panukalang-batas
6. Legal na teksto para sa bawat panukalang-batas (para sa legal na teksto, tingnan ang Ingles na bersiyon ng pamplet na ito)
7. Anumang karagdagang impormasyon na hinihingi ng Municipal Elections Code ng San Francisco (Kodigo para sa Munisipal na Eleksyon, SFMEC) §500.
Maaaring ibigay ang mga sumusunod na argumento para sa bawat lokal na panukalang-batas:
1. Isang argumento ng may-panukala (pabor sa panukalang-batas), na pinili ayon sa SFMEC §545 at nakalimbag nang walang bayad
2. Isang argumento ng katunggali (laban sa panukalang-batas), na pinili ayon sa SFMEC §545 at nakalimbag nang walang bayad
3. Isang sagot sa argumento para sa bawat argumento ng may-panukala at katunggali ng panukalang-batas, pinili ayon sa SFMEC §550 at nakalimbag nang walang bayad
4. Nakalimbag sa mga pahinang kasunod ng mga argumento ng may-panukala at katunggali at mga sagot ang anumang may bayad na argumeto na nai-sumite alinsunod sa SFMEC §555-570. Maililimbag nang magkakasama ang lahat ng may bayad na argumento na pabor sa panukalang-batas. Kasunod naman nito ang mga may bayad na argumento na laban sa panukalang-batas. Nakalimbag batay sa pagkakasunud-sunod ng pagsusumite ang mga may bayad na argumento para sa bawat panukalang-batas.
Lahat ng argumento ay pawang opinyon ng mga may-akda. Inililimbag ang mga argumento ayon sa pagkakasumite, kasama na ang anumang kamalian sa pagta-type, spelling, o grammar.