Impormasyon Tungkol sa Kandidato
Kinakatigang Partido ng Kandidato
Ang kinakatigan na rehistradong politikal na partido, kung mayroon man, ng sinumang kandidato na tumatakbo para sa katungkulang nominado ng botante, ay nakaimprenta sa tabi ng pangalan ng bawat kandidato sa balota. Kung ang kandidato ay tumatakbo para sa hindi makapartidong katungkulan, walang makikitang partido sa tabi ng pangalan ng kandidato.
Mga Pahayag ng mga Kuwalipikasyon ng Kandidato
Nagsumite sa loob ng takdang panahon ang ilang kandidato sa balota ng kani-kanilang pahayag ng mga kuwalipikasyon para mailimbag sa pamplet na ito. Magsisimula sa pahina 21 ang mga nasabing pahayag at gastos ng kandidato ang pagpapalimbag.
Hindi sinisiyasat para sa kawastuhan ng Direktor ng mga Eleksyon, o anumang iba pang ahensiya ng Lungsod, opisyal, o empleyado ang mga impormasyon na nilalaman ng mga pahayag ng kuwalipikasyon ng kandidato na nakalimbag sa pangunahing Ingles na bersiyon ng pamplet na ito. Ang pagsasalin sa Filipino ay pareho hangga’t maaari sa pinagmulang nilalaman na Ingles.
Maaari ninyong makita ang impormasyon tungkol sa mga kandidato sa mga sumusunod:
• California Voter Information Guide, na makukuha sa voterguide.sos.ca.gov: mga kandidatong tumatakbo para sa mga sumusunod na katungkulan:
o Senador ng Estados Unidos (termino na matatapos sa Enero 3, 2029)
o Senador ng Estados Unidos (natitirang bahagi ng kasalukuyang termino na matatapos sa Enero 3, 2023)
o Gobernador
o Tenyente Gobernador
o Kalihim ng Estado
o Kontroler
o Ingat-Yaman
o Pangkalahatang Abugado
o Komisyonado ng Seguro
o Miyembro ng Lupon ng Tagasingil ng Buwis, Distrito 2
o Superintendente ng Pampublikong Pagtuturo
o Mga Mahistrado ng Korte Suprema
• San Francisco Voter Information Pamphlet: mga kandidatong tumatakbo para sa mga sumusunod na katungkulan:
o Kinatawan ng Estados Unidos, Distrito 11 at Distrito 15
o Asembleya ng Estado, Distrito 17 at Distrito 19
o Lupon ng Edukasyon
o Lupon ng Kolehiyo ng Komunidad (termino na matatapos sa Enero 8, 2027)
o Lupon ng Kolehiyo ng Komunidad (termino na matatapos sa Enero 8, 2025)
o Direktor ng BART, Distrito 8
o Tagatasa-Tagatala
o Abugado ng Distrito
o Pampublikong Tagapagtanggol
o Lupon ng mga Superbisor, Distrito 2, 4, 6, 8, 10