hide
Matutulungan namin kayo!
Alinsunod sa batas pederal at ordinansang lokal, magbibigay ang Departamento ng mga Eleksyon ng mga serbisyo sa mga botante at ng opisyal na mga materyales na para sa eleksyon sa ilang wika bukod sa Ingles.
Simula sa eleksyon ng 2015, bukod sa Ingles, Instik, at Espanyol, makukuha sa wikang Filipino ang mga balota ng San Francisco, ang Pamplet ng Impormasyon Para sa Botante, at ang iba pang mga materyales na para sa eleksyon. Pinatunayan kamakailan ng Lungsod ang wikang Filipino (Tagalog) na pangatlong wika na kailangan ayon sa San Francisco Language Access Ordinance (Ordinansa ng San Francisco sa Paggamit ng Wika), bukod sa Instik at Espanyol. Ang Language Access Ordinance, na isinabatas noong 2001, ay nag-aatas sa mga departamento ng lungsod na nakikipag-ugnay sa publiko na magbigay ng isinalin na mga materyales at ng iba pang mga serbisyo.
Kung gusto ninyo ng mga materyales sa wikang Filipino na bukod sa Ingles, i-update ang inyong higit na nagugustuhang wika sa sfelections.org/language o tumawag sa (415) 554-4310.
Kabilang sa mga serbisyo sa wikang Filipino para sa mga botante ang:
• Impormasyon para sa botante sa wikang Filipino sa sfelections.org.
• Isinalin na mga materyales na para sa eleksyon, mga balota, mga form para sa pagpaparehistro ng botante, mga paunawa sa botante, mga aplikasyon at mga instruksiyon para sa balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo at mga Pamplet ng Impormasyon Para sa Botante.
• Mga karatulang nagbibigay ng instruksiyon sa lahat ng mga lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon.
• Tulong ng manggagawa sa lugar ng botohan na nagsasalita ng ibang wika sa itinalagang mga lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon.
• Tulong sa telepono sa wikang Filipino, matatawagan mula Lunes hanggang Biyernes, 8 a.m. hanggang 5 p.m., at mula 7 a.m. hanggang 8 p.m. sa Araw ng Eleksyon. Para sa tulong, tumawag sa (415) 554-4310.