Hanapin ang Kinaroroonan ng inyong Botohan at ang Halimbawang Balota Ninyo
Gamitin ang Voter Portal (Portal para sa Botante) para makuha ang inyong Halimbawang Balota at mahanap ang Kinaroroonan ng inyong Botohan. Para mag-login sa Voter Portal, ilagay ang inyong Numero ng Bahay, Zip Code, at Araw ng Kapanganakan.
Ang mga labanan kung saan maaari kayong bumoto ay nakasalalay sa kung saan kayo nakatira at rehistrado para bumoto.
Bakit Nagbabago ang mga Lugar ng Botohan?
Hindi pag-aari ng Departamento ng mga Eleksyon ang alinmang lugar na ginagamit bilang lugar ng botohan; umaasa ito sa komunidad na magbigay ng mga lokasyong mapupuntahan ng lahat ng mga botante. Kung may pag-aari kayong lugar na maaaring naaangkop bilang lugar ng botohan para sa mga eleksyon sa hinaharap, mangyaring makipag-ugnayan sa Departamento ng mga Eleksyon sa (415) 554-4310.
Nahuling Pagbabago ng Lugar ng Botohan
Kung hindi na maaaring magamit ang isang lugar ng botohan pagkatapos na ipadala sa mail ang Pamplet ng Impormasyon para sa Botante, ipagbibigay-alam ng Departamento ng mga Eleksyon sa mga botanteng naapektuhan sa pamamagitan ng:
• Mga Card ng Pagbibigay-abiso para sa “Pagbabago ng Lugar ng Botohan” na ipinadala sa mail sa lahat ng nakarehistrong botante sa presinto.
• Mga Karatulang “Pagbabago ng Lugar ng Botohan” na nakapaskil sa dating lokasyon.