Elections Commission (Komisyon para sa mga Eleksyon)
Ginagampanan ng Elections Commission ang pagiging awtoridad sa paggawa ng polisiya at sa pangangasiwa sa lahat ng pampubliko, pampederal, pang-estado, pandistrito at pang-munisipal na eleksyon sa Lungsod at County ng San Francisco. Naatasan ang Komisyon sa pagtatakda ng mga pangkalahatang polisiya para sa Departamento ng mga Eleksyon, at responsibilidad nito ang tamang pamamahala sa Departamento na sinasaklaw ng mga probisyon ng Tsarter ukol sa badyet at pinansiya. Ang kasulukyang mga miyembro ng Komisyon para sa mga Eleksyon ay sina:
Viva Mogi, Presidente
itinalaga ng District Attorney
Bakante
itinalaga ng Board of Education (Lupon ng Edukasyon)
Lucy Bernholz
itinalaga ng Tesorero
Roger Donaldson
itinalaga ng City Attorney
Christopher Jerdonek
itinalaga ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor)
Charles Jung
itinalaga ng Mayor (Punong-bayan)
Jill Rowe
itinalaga ng Public Defender (Pampublikong Tagapagtanggol)