May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon L
SINUSUPORTAHAN NG SAN FRANCISCO DEMOCRATIC PARTY (PARTIDO DEMOKRATIKO NG SAN FRANCISCO) ANG PROP L
Inaasahan ng mga ekonomista ng San Francisco na lilikha ang pandemya ng kakulangan sa badyet na mahigit sa dalawang bilyong dolyar. Kailangan nating matiyak na makakayanan ng ating mga pampublikong hospital ang pag-eempleyo sa mga nars, doktor at first responders o unang tumutugon, at nang hindi malunod sa hirap ang ating mga ospital nang dahil sa COVID.
Naniniwala kami na ang malalaking korporasyon na kayang bayaran ang kanilang mga ehekutibo ng milyon-milyong dolyar na suweldo taon-taon ay kaya ring magbayad ng kanilang makatarungang bahagi ng buwis upang makatulong sa atin na makabangon. Nitong nakaraang 30 taon, umakyat na nang husto ang suweldo ng mga ehekutibo sa Estados Unidos nang 940%. Sa kabila nito, tumaas lamang nang 11% ang suweldo ng regular na mga manggagawa.
Hindi lamang makakakalap ang panukalang-batas na ito ng kailangang-kailangang pondo para sa ating sistema ng pangangalaga sa kalusugan o healthcare system, bibigyan din nito ng insentibo ang mga kompanya na mamuhunan sa kanilang mga manggagawa, hindi lamang sa kanilang mga ehekutibo. Maaaring maiwasan ng mga negosyo ang buwis sa pamamagitan ng pagbabayad sa kanilang mga ehekutibo ng mas mababa, o sa simpleng pagtataas ng suweldo ng kanilang mga empleyado.
SAMAHAN ANG INYONG KAPWA DEMOKRATA SA SF AT BUMOTO NG OO SA PROP L.
San Francisco Democratic Party
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco Labor Council.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee (komite na tumatanggap mula sa tunay na pinagmulan ng pondo): 1. SEIU 2015, 2. SEIU 1021, 3. IFPTE Local 21.
May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon L
SINUSUPORTAHAN NG SAN FRANCISCO LABOR COUNCIL (KONSEHO SA PAGGAWA NG SAN FRANCISCO) ANG PROP L!
Kinakatawan ng Labor Council ang sampu-sampung libong manggagawa ng San Francisco, kasama na ang healthcare workers o mga manggagawang nangangalaga sa kalusugan, at ang mga pang-emergency at frontline o nasa unahan na mga manggagawa. Ang aming mga miyembro ang siyang nagpapanatili sa inyong mga pamilya na malusog at ligtas sa panahon ng medikal na emergency.
Matagal pa bago magwakas ang pandemya at kailangang maging handa ng San Francisco kapag tamaan uli tayo ng ikalawang bugso ng pagkalat ng sakit. Sa kasamaang palad, ang inaasahang badyet ay nangangailangan ng 250 milyong dolyar na pagbabawas mula sa Department of Public Health (Departamento ng Pampublikong Kalusugan) sa loob ng susunod na dalawang taon. At matapos pa iyan ng ilang taon na kulang na ito sa kawani at kulang din sa pondo.
Ang malalaking korporasyon na kayang bayaran ang kanilang mga ehekutibo ng milyon-milyong dolyar na suweldo ay kaya ring magbayad ng kanilang makatarungang bahagi ng mga buwis upang makatulong sa atin na makabangon.
Kung magiging handa tayo para sa muling pagtaas ng bilang ng nagkakasakit, kailangan nating ipasa ang Prop L upang makapag-empleyo ng mga nars, doktor, first responders, at iba pang manggagawa na nasa healthcare.
SAMAHAN ANG MGA MANGGAGAWA NG SAN FRANCISCO AT BUMOTO NG OO SA PROP L.
Ang San Francisco Labor Council
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Labor Council.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. SEIU 2015, 2. SEIU 1021, 3. IFPTE Local 21.
May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon L
SINUSUPORTAHAN NG HEALTHCARE WORKERS O MGA MANGGAGAWANG NANGANGALAGA SA KALUSUGAN ANG PROP L!
Nabigyan na ng pandemya ng panibagong respeto ang may dedikasyong healthcare workers na nakikipaglaban araw-araw upang malimitahan ang pagkalat ng COVID-19, at mapangalagaan ang mga indibidwal sa atin na nag-test nang positibo. Hindi lamang kami mga nars at doktor, kundi mga nag-aadbokasiya para sa pasyente, residente, at physical therapist.
Matagal pa bago magwakas ang pandemya at kailangang maging handa ng San Francisco kapag tamaan uli tayo ng ikalawang bugso ng pagkalat ng sakit. Sa kasamaang palad, ang inaasahang badyet ay nangangailangan ng 250 milyong dolyar na pagbabawas sa Department of Public Health (Departamento ng Pampublikong Kalusugan) sa loob ng susunod na dalawang buwan.
Ang Prop L - Ang Overpaid Executive Tax (Buwis nang dahil sa Labis na Bayad sa mga Ehekutibo) - ay kinakalkulang makakakalap ng $140 milyong dolyar bawat taon, kung kaya’t mapahihintulutan ang Lungsod na mag-empleyo ng daan-daang nars, doktor, first responders, at iba pang mahahalagang manggagawa na nasa healthcare. Kayang bayaran ng mga CEO na sumusuweldo ng milyon-milyong dolyar sa isang taon ang kanilang makatarungang bahagi upang matulungan tayong makabalik sa tinatahak na landas.
SAMAHAN ANG HEALTHCARE WORKERS NG SAN FRANCISCO AT BUMOTO NG OO SA PROP L.
Lokal 21
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Lokal 21.
May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon L
SINUSUPORTAHAN NG ESSENTIAL WORKER (MGA MANGGAGAWA SA MAHAHALAGANG INDUSTRIYA) ANG PROP L!
Kami ang mga manggagawang nasa healthcare, serbisyo para sa pagkain, pampublikong transportasyon, at groseriya, na siyang nasa front line o unahan sa panahon ng pandemya. Madalas na hindi kami napagkakalooban ng kagamitang nagbibigay ng proteksiyon upang ligtas naming magawa ang aming mga trabaho.
Kailangang tulungan kami ng San Francisco na maging handa kapag nagkaroon uli ng malaking pagtaas ng bilang ng mga may sakit. Sa kasamaang palad, ang inaasahang badyet ay nangangailangan ng 250 milyong dolyar na pagbabawas mula sa Department of Public Health sa loob ng susunod na dalawang taon. At matapos pa iyan ng ilang taon na kulang na ito sa kawani at kulang din sa pondo.
Ang malalaking korporasyon na kayang bayaran ang kanilang mga ehekutibo ng milyon-milyong dolyar na suweldo ay kaya ring magbayad ng kanilang makatarungang bahagi ng buwis upang makatulong sa atin na makabangon.
Kung susuportahan natin ang essential workers, kailangan nating ipasa ang Prop L upang makapag-empleyo ng mga nars, doktor, first responders, at iba pang manggagawa na nasa healthcare.
SAMAHAN ANG ESSENTIAL WORKERS NG SAN FRANCISCO AT BUMOTO NG OO SA PROP L.
Lokal 21
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Lokal 21.
May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon L
SINUSUPORTAHAN NG MENTAL HEALTHCARE WORKERS O MANGGAGAWANG NANGANGALAGA SA KALUSUGAN NG ISIP ANG PROP L!
Bilang mental healthcare workers, inaalagaan namin ang kapakanan ng kalagayang emosyonal at kalagayan ng pag-iisip ng aming mga pasyente. Kami ang mga therapist, psychologist o sikologo, at psychiatrist (espesyalista sa mga sakit sa pag-iisip), na nangangalaga sa mga indibidwal na hinihiling ang aming paggamot.
Naging sanhi na ang pandemyang COVID-19 ng kauna-unawang pagkataranta at stress o ligalig sa mayorya ng populasyon. Kailangan ng San Francisco ng mas maraming mental healthcare workers, pero humaharap ang lungsod ng kakulangan sa badyet, kung saan may malalaking pagbabawas sa badyet ng Department of Public Health.
Makatutulong ang Prop L para matugunan ang kakulangang iyan sa pamamagitan ng pagbubuwis sa mga negosyong binabayaran ang kanilang mga ehekutibo nang 100 beses na higit pa kaysa sa suweldo ng empleyadong panggitna ang sahod. Ang malalaking korporasyon na kayang bayaran ang kanilang mga ehekutibo ng milyon-milyong dolyar na suweldo taon-taon ay kaya ring magbayad ng kanilang makatarungang bahagi ng buwis upang makatulong sa atin na magkaroon ng matibay na sistema sa healthcare.
HINIHIKAYAT KAYO NG MENTAL HEALTHCARE WORKERS NA BUMOTO NG OO SA l!
Lokal 21
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Lokal 21.
May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon L
SINUSUPORTAHAN NG MGA MANGGAGAWA NG GENERAL HOSPITAL ANG PROP L!
Kami ang mga manggagawa sa pinakamalaking pampublikong ospital ng San Francisco. At ikinararangal naming naroroon kami kung saan kami pinakakailangan ng mga pamilya ng San Francisco.
Sa kasamaang palad, nagawa nang mas mahirap ang aming mga trabaho ng kakulangan sa mga kawani at pagbabawas sa badyet. Sa ngayon, dahil sa kakulangan sa badyet ng lungsod na mahigit sa $1.7 bilyong dolyar, gagawing mas mapanganib ang aming trabaho ng lalo pang pagbabawas ng mga kawani, at mababawasan din ang kalidad ng pangangalaga.
Ang Prop L - Ang Overpaid Executive Tax (Buwis nang dahil sa Labis na Bayad sa mga Ehekutibo) - ay kinakalkulang makakakalap ng $140 milyong dolyar bawat taon, kung kaya’t mapahihintulutan ang Lungsod na mag-empleyo ng daan-daang nars, doktor, first responders, at iba pang mahahalagang manggagawa na nasa healthcare.
Sa panahon ng pandemya, ibinuwis ng ating mga manggagawa ang kanilang buhay upang matulungan ang mga pamilya ng San Francisco. Kayang bayaran ng mga CEO na sumusuweldo ng milyon-milyong dolyar sa isang taon ang kanilang makatarungang bahagi upang matulungan tayong makabalik sa tinatahak na landas.
SAMAHAN ANG MGA MANGGAGAWA NG SAN FRANCISCO GENERAL HOSPITAL AT BUMOTO NG OO SA L
Lokal 21
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Lokal 21.
May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon L
SINUSUPORTAHAN NG MGA MANGGAGAWA NG LAGUNA HONDA HOSPITAL ANG PROP L
Kami ang mga manggagawa ng Laguna Honda hospital kung saan may espesyalisasyon kami sa rehabilitasyon at pangangalaga para sa mga indibidwal na may Alzhimers at Dementia. Mas malamang na mangailangan ang matatandang indibidwal ng pagpapa-ospital kapag nagkasakit sila nang dahil sa COVID 19.
Sa kasamaang palad, nagawa nang mas mahirap ang aming trabaho nang dahil sa pagbabawas sa badyet. Sa ngayon, dahil sa kakulangan sa badyet ng lungsod na mahigit sa $1.7 bilyong dolyar, gagawing mas mapanganib ang aming trabaho ng lalo pang pagbabawas ng mga kawani, at mababawasan din ang kalidad ng pangangalaga.
Nagkaroon ng malalaking kita ang mga higanteng korporasyon sa panahon ng pandemyang ito, at gayon din ang kinilang pinakamatataas na ehekutibo na sumusuweldo ng milyon-milyong dolyar taon-taon. Kaya nilang magbayad ng kanilang makatarungang bahagi ng mga buwis upang makatulong sa ating pagbangon.
Kung magiging handa tayo para sa muling pagtaas ng bilang ng nagkakasakit, kailangan nating ipasa ang Prop L upang makapag-empleyo ng mga nars, doktor, at iba pang manggagawa na nasa healthcare.
SAMAHAN ANG MGA MANGGAGAWA NG SAN FRANCISCO GENERAL HOSPITAL AT BUMOTO NG OO SA L
Lokal 21
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Lokal 21.
May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon L
SINUSUPORTAHAN NG MGA NARS ANG PROP L!
Bilang mga nars, halos isang taon na kaming nasa unahan ng pandemyang COVID-19, at nagtatrabaho kami upang manatiling ligtas ang lahat at mapigilan ang virus na ito.
Matagal pa bago magwakas ang pandemya at kailangang maging handa ang San Francisco kapag tamaan uli tayo ng ikalawang bugso ng pagkalat ng sakit. Sa kasamaang palad, ang inaasahang badyet ay nangangailangan ng 250 milyong dolyar na pagbabawas mula sa Department of Public Health (Departamento ng Pampublikong Kalusugan) sa loob ng susunod na dalawang taon. At matapos pa iyan ng ilang taon na kulang na ito sa kawani at kulang din sa pondo.
Nagkaroon ng malalaking kita ang mga higanteng korporasyon sa panahon ng pandemyang ito, at gayon din ang kinilang pinakamatataas na ehekutibo na sumusuweldo ng milyon-milyong dolyar taon-taon. Kaya nilang magbayad ng kanilang makatarungang bahagi ng buwis upang makatulong sa ating pagbangon.
Kung magiging handa tayo para sa muling pagtaas ng bilang ng nagkakasakit, kailangan nating ipasa ang Prop L upang makapag-empleyo ng mga nars, doktor, first responder, at iba pang manggagawa na nasa healthcare.
SAMAHAN ANG MGA NARS AT BUMOTO NG OO SA PROP L
SEIU Lokal 1021
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco Labor Council.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. SEIU 2015, 2. SEIU 1021, 3. IFPTE Local 21.
May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon L
SINUSUPORTAHAN NG SOCIAL WORKERS ANG PROP L!
Bilang social workers, tinutulungan namin ang mga pamilyang nasa uring manggagawa, mga batang foster o nang pangangalaga ng gobyerno, healthcare workers, at mga manggagawa na nagdudulot ng pangangalaga sa panahon ng krisis. Nakikita natin kung paano lubusang nahirapan ang mga indibidwal na nasa uring manggagawa nang dahil sa pandemya, sa panahon ng pagbagsak ng ekonomiya.
Habang nahihirapan ang mga karaniwang tao upang magkaroon ng sapat para sa upa at makapagbayad ng mga singil, kumikita ang mga CEO at iba pang matataas na ehekutibo ng milyon-milyong dolyar sa panahon ng pandemya. Lalo pang lumaki ang kawalan ng pagkakapantay-pantay sa kita habang kinukuha ng pinakamayayamang miyembro ng lipunan ang mas marami at mas marami pang kita para sa kanilang mga sarili.
Titiyakin ng Prop L - Ang Overpaid Executive Tax - na magbabayad ang mga CEO na kumikita ng milyon-milyong dolyar taon-taon ng kanilang makatarungang bahagi pabalik sa ating mga komunidad. Sa pamamagitan ng kita mula sa buwis na ito, makapag-eempleyo ang Lungsod ng daan-daang nars, doktor, first responders, at iba pang mahahalagang healthcare workers at nang matulungan ang mga nagtatrabahong indibidwal sa San Francisco.
SAMAHAN ANG SOCIAL WORKERS NG SAN FRANCISCO AT BUMOTO NG OO SA PROP L.
SEIU Lokal 1021
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco Labor Council.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. SEIU 2015, 2. SEIU 1021, 3. IFPTE Local 21.
May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon L
SINUSUPORTAHAN NG MGA MANGGAGAWA SA ER ANG PROP B!
Ang Emergency Rooms ang madalas na lugar na pinupuntahan ng mga tao kung wala silang seguro o hindi na sila makapaghintay para makita ang kanilang regular na doktor. Kami ang mga manggagawang nag-aalaga sa inyo at sa inyong mga mahal sa buhay sa pinakadesperadong mga sandali ng kanilang pangangailangan.
Nakapagdulot na ang pandemyang COVID-19 ng dagdag na stress o pagkaligalig sa ating sistema ng healthcare. Umaapaw na ang Emergency Room nang dahil sa mga kaso ng COVID 19 nang walang kinakailangang pondo para makatugon sa pangangailangan.
Kinakalkulang makakakalap ang Prop L ng 140 milyong dolyar taon-taon, kung kaya’t mapahihintulutan ang lungsod na makapag-empleyo ng mas maraming healthcare workers at makabibili ng medikal na kagamitan upang mapaghandaan ang muli na namang pagtataas ng bilang ng nagkakasakit. Ang malalaking korporasyon na kayang bayaran ang kanilang mga ehekutibo ng milyon-milyong dolyar na suweldo taon-taon ay kaya ring magbayad ng kanilang makatarungang bahagi ng buwis upang makatulong sa atin na magkaroon ng matibay na sistema sa healthcare.
SAMAHAN ANG MGA MANGGAGAWA SA ER SA SAN FRANCISCO AT BUMOTO NG OO SA PROP L.
SEIU Lokal 1021
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco Labor Council.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. SEIU 2015, 2. SEIU 1021, 3. IFPTE Local 21.
May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon L
SINUSUPORTAHAN NG 911 DISPATCHERS (NAG-OORGANISA NG MGA SERBISYONG PANG-EMERGENCY) ANG PROP L!
Kadalasang nasa unang linya ng pagdepensa ang 911 dispatchers sa panahon ng krisis. Naririto kami para sa inyong mga pamilya sa panahong pinakakailangan ninyo kami at may dedikasyon kami sa pagtiyak na mayroon kayong nakakausap sa telepono habang paparating sa inyo ang tulong.
Inilalagay ang buong sistema natin sa healthcare sa matinding pagkaligalig o stress ng pandemyang COVID 19, na hindi natin alam kung kailan magwawakas. Kailangan nating maging handa para sa muling pagtataas ng bilang ng nagkakasakit, at nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng pondo upang makapag-empleyo ng frontline at essentials workers na kinakailangan ng ating medikal na sistema.
Ipatutupad lamang ang Prop L sa mga korporasyon na nagbabayad sa kanilang mga CEO ng 100 beses na mas malaki kaysa sa karaniwan nilang manggagawa. Ang malalaking korporasyon na kayang bayaran ang kanilang mga ehekutibo ng milyon-milyong dolyar na suweldo taon-taon ay kaya ring magbayad ng kanilang makatarungang bahagi ng mga buwis upang makatulong sa atin na magkaroon ng matibay na sistema sa healthcare.
SAMAHAN ANG 911 DISPATCHERS NG SAN FRANCISCO AT BUMOTO NG OO SA PROP L.
SEIU Lokal 1021
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco Labor Council.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. SEIU 2015, 2. SEIU 1021, 3. IFPTE Local 21.
May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon L
SINUSUPORTAHAN NG CRISIS CARE WORKERS O MGA MANGGAGAWA NA NAGKAKALOOB NG PANGANGALAGA SA PANAHON NG KRISIS ANG PROP L!
Bilang mga mangagagawa para sa crisis care, nasa unahan kami, upang hindi na lumaki pa ang mga sitwasyong mabanganib at mayroong karasahan sa mga emergency room, shelter o masisilungan, at sa ating mga kalye. Alam namin kung paanong manatiling makatwiran at may pagdamay sa mga sitwasyon kung saan mataas ang pagkaligalig o stress.
Lalo pang lumaki ang pangangailangan sa mga manggangawa para sa crisis care, pero humaharap ang lungsod sa malaking pagbabawas ng badyet, kung saan lalo pang matatamaan ang mga nagtatrabahong indibidwal sa panahon ng krisis.
Gayon pa man, may pangkat ng mga indibidwal na nagkaroon ng pinansiyal na pakinabang sa panahon ng pandemyang ito -- ang mga ehekutibo na nasa malalaking kompanya. Sa pamamagitan ng pagpasa sa Prop L, babayaran ng mga ehekutibong labis-labis na ang suweldo ang kanilang makatarungang bahagi, kung kaya’t mapahihintulutan ang lungsod na mag-empleyo ng daan-daang nars, doktor, first responders, at iba pang mahahalagang healthcare workers.
Kailangang paghandaan ng San Francisco ang susunod na biglang pagdami ng mga kaso ng COVID 19. Kailangan nating ipasa ang Prop L.
HINIHIKAYAT KAYO NG CRISIS CARE WORKERS NA BUMOTO NG OO SA L!
SEIU Lokal 1021
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco Labor Council.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. SEIU 2015, 2. SEIU 1021, 3. IFPTE Local 21.
Pagtatapos ng May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon L