Batas sa mga Karapatan Ng Botante
Ikaw ay may mga sumusunod na karapatan:
1. Karapatang bumoto kung ikaw ay isang nakarehistrong botante. Ikaw ay karapat-dapat bumoto kung ikaw ay:
• isang mamamayan ng U.S. na naninirahan sa California
• hindi kukulangin sa 18 taong gulang
• nakarehistro kung saan ka kasalukuyang naninirahan
• hindi kasalukuyang gumugugol ng panahon sa piitan ng estado o pederal dahil sa pagkakahatol sa isang krimen, at
• hindi kasalukuyang ipinasiya ng isang hukuman bilang walang kakayahan ang isipan para bumoto
2. Karapatang bumoto kung ikaw ay isang nakarehistrong botante kahit na ang iyong pangalan ay wala sa listahan. Ikaw ay boboto gamit ang isang pansamantalang balota. Ang iyong boto ay ibibilang kung ang mga opisyal sa mga halalan ay nagpasiya na ikaw ay karapat-dapat bumoto.
3. Karapatang bumoto kung ikaw ay nakapila pa nang magsasara ang mga botohan.
4. Karapatang magpatala ng isang lihim na balota nang walang gumagambala sa iyo o nagsasabi sa iyo kung sino o ano ang iboboto.
5. Karapatang kumuha ng bagong balota kung nagkamali ka, kung hindi mo pa naipapatala ang iyong balota. Magagawa mong:
Humingi sa opisyal sa mga halalan sa isang botohan ng isang bagong balota; o
Palitan ang iyong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ng isang bagong balota sa isang opisina sa mga halalan, o sa iyong botohan; o
Bumoto gamit ang isang pansamantalang balota, kung hindi mo dala ang iyong orihinal na balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo.
6. Karapatang humingi ng tulong sa pagpapatala ng iyong balota mula sa sinumang pinili mo, maliban sa iyong tagapag-empleyo o kinatawan ng unyon.
7. Karapatang ihulog ang iyong kinumpletong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo sa alinmang botohan sa California.
8. Karapatang kumuha ng mga materyal sa halalan sa isang wikang iba sa Ingles kung may sapat na bilang ng mga tao sa iyong presinto ng pagboto na nagsasalita ng wikang iyon.
9. Karapatang magtanong sa mga opisyal sa halalan tungkol sa mga pamamaraan ng paghalal at masdan ang proseso ng halalan. Kung hindi masagot ng taong tinanong mo ang iyong mga katanungan, dapat silang magpadala sa iyo ng tamang tao para sa sagot. Kung ikaw ay nakakaabala, maaari silang tumigil sa pagsagot sa iyo.
10. Karapatang iulat ang anumang labag sa batas o madayang gawain sa halalan sa isang opisyal sa mga halalan o sa opisina ng Kalihim ng Estado.
• Sa web sa www.sos.ca.gov
• Sa pamamagitan ng telepono sa (800) 339-2957
• Sa mail sa elections [at] sos.ca.gov
Kung naniniwala ka na pinagkaitan ka ng alinman sa mga karapatang ito, tawagan ang kompidensiyal na Nakahandang Linya sa Botante ng Kalihim ng Estado sa (800) 339-2957.