Bagong Mapa ng mga Superbisoryal na Distrito
Nahahati ang San Francisco sa labing-isang Superbisoryal na Distrito. Sa Nobyembre 8 na eleksyon, boboto para sa mga miyembro ng Lupon ng mga Superbisor ang mga botanteng nakatira sa mga even ang bilang na Superbisoryal na Distrito (2, 4, 6, 8, at 10). Boboto naman sa 2024 para sa mga miyembro ng Lupon ng mga Superbisor ang mga botanteng naninirahan sa Superbisoryal na Distrito na odd ang bilang (1, 3, 5, 7, 9, at 11).
Ang sumusunod ay ang mapa na nagpapakita ng kasalukuyang mga hangganan ng mga Superbisoryal na Distrito at mga kapitbahayan na nasa loob na ngayon ng bawat Superbisoryal na Distrito.