Ang Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota)
Bago sumapit ang bawat eleksyon, nagtatrabaho ang Komite para Gawing mas Simple ang Balota (BSC) sa mga pampublikong pagpupulong para maghanda ng walang kinikilingang pagbubuod sa simpleng salita ng bawat lokal na panukalang-batas sa balota. Tumutulong din ang BSC sa paghahanda ng “Mga Salitang Dapat Ninyong Malaman“ (Words You Need to Know) at ang “Mga Madalas Itanong” (Frequently Asked Questions, FAQs) na mga seksiyon ng VIP.
Ang mga miyembro ng BSC ay mga boluntaryo na nanggaling sa iba’t ibang karanasan, kasama na ang pamamahayag, edukasyon, at nakasulat na komunikasyon. Ang mga kasalukuyang miyembro ng BSC ay sina:
Betty Packard, Tagapangulo
Nominado ng:
National Academy of Television Arts and Sciences (Pambansang Akademiya ng Sining at Agham ng Telebisyon)
Lauren Girardin
Nominado ng:
League of Women Voters (Liga ng mga Kababaihang Botante)
Scott Patterson
Nominado ng:
National Academy of Television Arts and Sciences (Pambansang Akademiya ng Sining at Agham ng Telebisyon)
Michele Anderson
Nominado ng:
Pacific Media Workers Guild (Samahan ng mga Manggagawa sa Media sa Pacific)
Jenica Maldonado, ex officio*
Deputy City Attorney (Katuwang na Abugado ng Lungsod)
Andrew Shen, ex-officio*
Deputy City Attorney (Katuwang na Abugado ng Lungsod)
*Ayon sa batas, ang City Attorney (Abugado ng Lungsod), o ang kinatawan niya, ay naglilingkod sa Ballot Simplification Committee at maaaring magsalita sa mga pagpupulong ng Komite ngunit hindi maaaring bumoto.